Jinggoy: GMA sa Fort Sto. Domingo ikulong

HINILING ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ikulong si Rep. Gloria Arroyo.

Ang mungkahi ni Sen. Estrada ay kasunod ng pagsasampa ng Commissions on Elections ng electoral sabotage laban kay Arroyo.

Hinamon din ni Estrada si Arroyo na tulad ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada, ay harapin nito ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Bukod kay Ginang Arroyo, kailangan din umanong  kasuhan ang asawa nitong si Atty. Mike Arroyo dahil marami ring ebidensyang nagsasangkot dito sa dayaan sa eleksyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply