John Lloyd Cruz tamang-libog kapag nalalasing?

BIGLA naming naalala yung kuwento noon ng isang sexy starlet tungkol sa encounter niya sa isang techno bar sa isang male actor several years ago matapos i-share ni Ruffa Gutierrez sa showbiz-oriented talkshow nila sa TV5 noong Linggo na nagtapat sa kanya si John Lloyd na mahilig siyang uminom. Sa kuwento pa ni Ruffa, may mga episodes silang sa sobrang kalasingan daw ni John Lloyd, nakatutulog na ito sa mga bar na pinupuntahan nila. Nahihiya raw siya kapag binubuhat paalis ng bar ang aktor.

Ayon sa isang starlet noon, minsan daw, nasa isang techno bar siya sa bandang Quezon City kasama ng iba pang sexy stars. Sa isang sulok daw ng bar, mag-isang umiinom ang isang lalaki na unang kita palang niya ay kanyang nakilala na agad.

Dahil makati naman ang sexy star, nakipag-flirt daw siya sa aktor who’s obviously already drunk at that time. Sinamantala daw ng girlie ang tsansa niya na dumaan-daan sa tabi ng table ng aktor. Madali naman daw nakuha ng lalaki ang senyas na yun at kagyat siyang hinalikan nito ng lips-to-lips. Halos di raw makahinga’ng sexy star sa higpit ng yakap at siil ng halik sa kanya but she enjoyed it just the same. Nasarapan daw talaga siya.

Pero sa puntong naramdaman na niya yung medyo tumutusok sa yung gasmatilde sa harapan niya,kinabahan na ito. Maya-maya raw kumawala na siya’t iniwan sa sulok yung lalaki na aniya ay dinukot ang ilalim ng panty niya at pilit na…”Natakot po ako, pero masarap,” sabi pa ng sexy star sa kuwento niya noon pa.

Alam n’yo ba kung sino yung aktor na ikinuwento ng sexy star?

Si John Lloyd Cruz!

True kaya yun?

****

Walang dating???: Robin-Bong dinagdagan ng Angel Locsin

FEELING kaya ng managemment team ng “Toda Max,” na walang dating ang tandem nina Robin Padilla at Vhong Navarro, kaya pinilit nilang isinaksak sa sitcom si Angel Locsin?

Insecure talaga’ng dating ng mga taga-Toda Max kasi nga yung initial episode nila, walang dating at di nag-register ng mataas na rating.

O well, ano pa ba’ng dapat asahan, di naman talaga ganun kalakas si Robin Padilla. Puro pangalan na lang talaga siya’t wala ng business appeal. Kumbaga, panlaos ang accord kay Robin ng mga fans.

Although, in showbiz, regarded si Robin as a big name, pang-corporate na lang siya. Kaya nga siguro, from a mere guest sa initial episode, naging regular cast na si Angel Locsin para palakasin ang casting ng Toda Max.

When Angel Locsin was asked to guest sa Toda Max, she didn’t have an idea she would herself become a mainstay of the show.

She only learned about it when she did an episode for the show again last Thursday.

“’Di ko ma-describe ang feeling,” pahayag ni Angel. “Nag-enjoy ako when I first guested. Kaya paulit-ulit kong binanggit kina Robin at Vhong na sana, magkaroon din ako ng comedy show tulad ng Toda Max.

“Obviously, na-over-hear ni Miss Cynthia ang sinabi ko and that’s that.”

In a separate interview, Direk Malou said impressed siya kay Angel dahil ’di niya inakalang puwede rin pala itong magpatawa.

“Let’s face it, Angel projects the image of a femme fatale. So, her being a comedienne is the least we can think of.

“Wow, I can’t wait for her and Pokwang to do comedy scenes together,” dugtong pa ni Direk Malou.

Makalampas kaya ng isang season ang Toda Max na ito?

Well, abangan natin!

***

TV5 welcomes Lorna Tolentino

FIRST project ni LT ang ginagawa niya ngayon sa TV5. Matatandaang huli siyang napanood sa “Minsan Lang Kita Iibigin” sa ABS-CBN at pagkatapos ay nabalita na ngang lumipat na siya sa Kapatid Network.

Paano niya iku-compare ang working experience niya sa TV5, ABS-CBN and GMA-7?

“Ay, wala akong masamang experience with Channel 2, Channel 7, so, kung iku-compare ko lahat sila, the same, hindi naman nila ako pinababayaan and sa experience ko rito, hindi naman ako pinabayaan.”

When asked why TV5, aniya, “siguro, masarap na i-welcome ang alam mong makakatulong hindi lang sa kapwa mo artista, kung hindi sa lahat ng nagtatrabaho sa industriya.

“The more, the merrier dahil mas maraming trabaho ang magkakaroon hindi lang kami, kungdi hanggang sa pinakamaliit na aspeto, magkakaroon ng trabaho at ’yun ang masarap na suportahan dahil ’pag dumami, di walang mawawalan ng trabaho.”

Samantala, ginagampanan ni LT ang role ng isang mayaman at tanyag na cosmetic surgeon na daraan sa isang matinding pagsubok matapos mawala ang kanyang anak at ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Makakasama niya sa nasabing teleserye sina Alice Dixson, Zoren Legaspi at ang isa sa prinsesa ng TV5 na si Ritz Azul gayundin sina Tonton Gutierrez, Lotlot de Leon, Ms. Gloria Diaz, Celeste Legaspi at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply