Joint venture ng SMBA, HCPTI hinaharang ng NEDA

BLANGKO pa rin ang kinakaharap ng joint venture ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Harbour Centre Port Terminal Inc. (HCPTI) na ayusin ang pantalan doon.

Ito ay kahit pa aprubado na ng dating SBMA board ang kasunduan dahil ang bagong SBMA board ay nag-aalanganing ituloy na ito dahil sa mga isyung inilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) laban sa kasunduan.

“Sa kabila ng pag-apruba ng dating SBMA board sa kasunduan noong Pebrero 2010 patuloy na pinag-aaralan at nere-review ng bagong SBMA board ang bagay na ito,” ayon kay SBMA chairman Roberto Garcia.

Ayon kay Government Corporate Counsel Raoul Creencia sa kanyang 13 pahinang legal na opinyon , ang kasunduan ng SBMA at HCPTI na sasakop sa Naval Supply Depot , Boton, Alava, Rivera at Bravo wharves at ports ay “above board.”

Ang kasunduan ayon kay Creencia ay pinirmahan alinsunod sa joint ventures guidelines at principles.

Taliwas naman sa opinyon ng OGCC, binawi ng NEDA ang endorsement nito sa proyekto nitong Hulyo 8 dahil umano sa ilang paglabag sa 2008 joint venture guidelines for government owned and contolled corporations.

Dahil dito ayon kay chairman Garcia ,ay inatasan ng OGCC ang SBMA na suspindihin ang notice of award sa proyekto habang pinag-aaralan ng Ecozone Team ng OGCC ang naturang isyu.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagkabinbin sa kasunduan  ay ang diumano’y pagkontra na matuloy ang proyekto ng may-ari ng International Container Terminal Services Inc (ICTSI) na si Enrique Razon na mahigpit na karibal ng HCPTI sa mga kontrata sa mga pantalan ng pamahalaan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply