Jose papalapit sa gold sa SEAG

NAKASALALAY sa huling laro ni Pinay WFM Ylem Rulp Jose kung masusungkit nito ang gold medal sa 26th Southeast Asian Games women’s standrad sa Hotel Swarhna sa Jakarta, Indonesia.

Nasa top spot ang dating pambato ng Far Eastern University Jose, (elo 2048) bitbit ang 2.5 points matapos ang draw game nila ni Camilia Bt Johari, (elo 1776) ng Malaysia sa third round kahapon, (Nobyembre 19).

Magkasalo sa second to third place sina top seeded WGM Sukandar Irine Kharisma, (elo 2350) ng Indonesia at WIM Nguyen Thi Mai Hung, (elo 2244) ng Vietnam na may tig-1.5 puntos.

Kailangan lamang ni olympiad veteran Jose na maitabla ang kanyang pang-apat na laro kay Nguyen ngayong hapon upang maikuwintas sa kanya ang medalyang ginto.

“Sana ipagdasal nila ako na makuha ang gold medal para makapag-uwi tayo ng karangal sa ating bansa.” wika ni Jose sa email.

Samantala, yumuko si Pinoy super GM Wesley So, (elo 2659) kay Indon GM Susanto Megaranto ng host country.

Lumagapak si So sa second place na may dalawang puntos habang mag-isa si Megaranto sa unahan hawak ang perfect three points.

Kapareho ni So ng puntos sina GM Cao Sang, (elo 2521) ng Vietnam at FM Kyaw Lin Naing, (elo 2234) ng Myanmar.

Puwersadong ipanalo ni So ang huling dalawang laro upang masiguro na makakapag-uwi ito ng medalya.

Minamalas naman sina GMs Oliver Barbosa at Rogelio Antonio sa men’s rapid dahil nasa pang-apat at pang-limang puwesto sila tangan ang 4 points.

Nangunguna si GM Le Quang Liem, (elo 2714) ng Vietnam hawak ang 6 pts. habang segundo at tersero puwesto sina FM Rudin Hamdani, (elo 2322) ng Indonesia at GM Nguyen Ngoc Truong Son, (2662) ng Vietnam na may 5.5 pts. at 5. pts ayon sa pagkakasunod.

Nakapuwesto naman si WIM Catherine Perena, (elo 2083) sa third spot na may 4.5 papasok sa huling dalawang laro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply