Joseph Revilla palayain na – pamilya Revilla

LABAG sa batas ang pag-aresto kay Joseph Revilla.

Ito ang iginiit ng kampo ng mga Revilla makaraang maghain ng mosyon para sa pagpapalaya sa itinuturong suspek.

Ayon sa abogado ng mga Revilla na si Atty. Dennis Mansanal, hindi aniya dumaan sa tamang proseso ang pagkakadakip rito kung saan kinakaharap nito ang kasong murder at frustrated murder kasama ang kapatid na si Ramona at limang iba pa.

Samantala, handsoff naman ang Malakanyang sa kaso at ipinauubaya sa Philippine National Police (PNP) kung kinakailangan pang magsagawa ng panibagong imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tiwala sila na kayang ipagtanggol ng PNP ang resulta at masyado pang maaga para masabing may pagkukulang nga ang pulisya.

Matatandaang nais ni Sen. Bong Revilla na magsagawa ng re-investigation makaraang madawit sa kaso ang dalawa nilang kapamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply