JuanMa dinadaga na kay Pacman

PINAWI ni three time world champion Juan Manuel Marquez ang pangamba ng fans na baka mapatulog siya nang maaga ni P4P king Manny Pacquiao sa Nov. 13.

Itinanggi rin ni Marquez na kinakabahan siya sa laban niya kay Pacquiao.

Maghaharap ang dalawa sa MGM Grand sa HBO Pay-per-view championship card sa Las Vegas.

Katunayan, sinabi ni Marquez na handang-handa na siya kay Pacman at marami siyang bagong ipapakita laban sa Pinoy ring icon.

“I have added some new training methods to my preparation and I believe that it will help me very much when I take on Pacquiao on November 12,” pahayag ni Marquez.

Lalo rin umano siyang lumalakas at natutuwa naman siya rito dahil sa pamamagitan nito ay lumalaki ang tsansa niyang mapataob ang Pambansang Kamao.

“I feel strong and my speed is coming around. I am very happy with what we have accomplished here and I am ready to take on Pacquiao,” ayon kay Marquez. “I know that is a very difficult fight, but I believe I has the intelligence and experience to get the victory this time around,” said Marquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply