Juliet, Regie lantaran ang kolektong sa Quiapo (2)

AKALA ko ba hindi tumatanggap ng lagay ang PCP Commander ng Plaza Miranda  na si P/Insp. Joselito Dawat Von Possel,  dahil matino raw ito.

Kung gayon, kanino napupunta ang mga kinokolekta nitong mag-inang sina Julieta at Regie?

Ibinulong din sa inyong lingkod ng ilang vendor na bukod sa mag-inang sina Julieta at Regie ay may sarili ring collector ang hepe ng Plaza Miranda PCP na si Von Possel.

Kawawa naman ang  mga vendor dito, nangungutang ng 5/6 para lang may maipuhunan  sa kanilang pagtitinda para sa gayon ay kumita nang kaunti para sa kanilang pamilya pero ang kakarampot na kinikita ay kinukuha pa halos lahat ng mga abusadong pulis at tiwaling local officials.

Napag-alaman din ng Lily’s Files na hindi lang pulis ang nagpapahirap sa mga vendor dito kundi maging ang Manila City Hall.

Bukod pa rito ay ang Hawkers na sobrang ang kakapal ng mga mukha dahil bukod sa tiket at araw-araw na tong collection ay hinahakot pa ang mga paninda ng mga kawawang vendor.

Manila Mayor Alfredo Lim at MPD OIC Director, Sr. Supt. Alex Gutierrez, total magpa-Pasko naman, bakit hindi niyo na lang ibigay na pamasko sa mga vendor ang buwan ng Disyembre?

Huwag kayong magpakolekta sa buwang ito para naman maranasan ng ating mga vendor ang spirit ng Christmas at kung inyong pagbibigyan ang mga vendor na ito ay sigurado akong pati mga mamimili ay matutuwa sa inyo dahil bababaan din ng mga vendor ang kanilang presyo.

Oh di po ba, Mayor Lim at Col. Gutierrez, na masaya pag ganito?

At sa mag-inang kalabaw, hindi lang baboy, dahil sa sobrang lalaki ng katawan, hinay-hinay naman sa collection, lalo’t mga vendor din kayo. Ang kaibahan nga lang, collector kayo kaya hindi ninyo nararamdaman ang inyong ginagawa.

Mahiya naman kayong mag-ina, ang lalapad na sobra ng mga katawan nyo. Sige kayo baka  isang araw mangisay na lang kayo riyan sa kaiikot sa pangongolekta.

Ang kapal din ng mga mukha ng mga ito , nasa harapan pa mandin ng Simbahan, hindi na iginalang ang Mahal na Poon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply