Juliet, Regie lantaran ang kolektong sa Quiapo

KAYA pala nagmahal na rin ang mga paninda sa mga sidewalk vendor ay dahil sa walang humpay na tong collection mula sa pulisya at sa lokal na pamahalaang lungsod.

Kaya pala halos pumapantay na ang presyo ng mga itinitinda sa sidewalk at sa mga mall dahil sa mga abusado at korap na opisyal ng pulisya at ng ilang opisyal ng mga lokal na gobyerno.

Isa  sa  ating  naaktuhan ay ang garapalang pangongolekta ng mag-inang Julieta at ng anak nitong si Regie sa mga vendor diyan sa Plaza Miranda, Quiapo, Maynila.

Wala pakialam ang mag-inang ito kung sa kanilang pangongolekta ay may mga nakaharap na pulis ng Plaza Miranda PCP na sakop ng Police Station 3 ng Manila Police District (MPD).

Ayon sa mga vendor na ating nakapanayam, hindi lang daw isang beses kung mangolekta ang mag-ina sa maghapon kundi tatlong beses,  at ang mga nakokolekta daw ng mga ito ay para sa headquarter ng MPD, sa presinto 3 at sa Plaza Miranda PCP.

Ohhhhhhhh, akala ko ba hindi tumatanggap ng lagay ang PCP Commander ng Plaza Miranda  na si P/Insp. Joselito Dawat Von Possel, dahil matino raw ito, kung gayun kanino napupunta ang mga kinokolekta nitong mag-inang sina Julieta at

Regie? Ibinulong ng ilang vendor na bukod kina Julieta at Regie ay may sarili ring collector ang hepe ng Plaza Miranda PCP na si Von Possel.

Kawawa naman ang  mga vendor dito, nangungutang ng 5/6 para lang may maipuhunan sa kanilang pagtitinda para sa gayun ay kumita ng kaunti para sa kanilang pamilya pero ang kakarampot na kinikita ay kinukuha pa halos lahat ng mga abusadong pulis at mga tiwaling local official.  (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply