Justice Carpio posibleng mapatalsik sa pwesto

POSIBLENG mapatalsik sa puwesto si Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio dahilan sa kasong administratibo na isinampa sa kanya ng alkalde ng Palunpundan, Negros Occidental.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema na mayroong administrative complaint na nakahain laban kay  Associate Justices Antonio Carpio at Ma. Lourdes Sereno mula kay Mayor Magdaleno Pena.

Paliwanag naman ni Marquez na hindi pa nila inaaksyunan ang reklamo kay Carpio at Sereno bagamat natanggap na nila ang reklamo at ang ethics committee na ang bahala sa nasabing usapin.

Nilinaw pa ng tagapagsalita ng Korte Suprema na bagamat hindi niya alam kung ano ang gagawin ng korte sa nasabing reklamo ay impeachable officials naman ang mga mahistrado.

Subalit mayroon umanong mga kaso na ang incumbent justices ay napaparusahan tulad ng pagbawi sa allowance nito kagaya ng nangyari kay Justice Purisima na ama ni finance secretary Cesar PUrisima na ibinaba ang bar examinations fee mula sa P1 milyong hanggang P500,000 noong 1999.

Gayundin ang nangyari kay Justice Ruben Reyes na dating Court of Appeals Justice na nasususpinde indefinitely at pinagmulta ng P500,000 bagamat nakapagretiro pa rin ito.

Nag-ugat ang reklamo kina Carpio at Sereno, dahil sa pagpeke sa November 13, 2002 ruling ng SC First division na pumapabor sa Urban bank kung saan binigay nito ang lahat ng legal remedies upang maiwasan ang paglipat ng ari-arian na ino-auction.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply