Justice on wheels nagpalaya ng mga preso

MASAYA ang darating na Pasko ng 52 preso matapos ipag-utos ng mga hukom ng enhanced “Justice on Wheels” ang pagpapalaya sa kanila sa isinagawang pagdinig sa kanilang mga kaso na matagal nang nakabinbin, sa loob ng dalawang bus ng “Justice on Wheels” ng Korte Suprema sa Provincial Capitol Building sa Lingayen Pangasinsan.

Tinatayang 49 sa mga 58 na nakaiskedyul na mga kaso ang  dininig sa mga bus court room at 32 desisyon ang napagtibay, habang 17 kaso naman ang nadismis.

Pagsapit sa Dagupan ng court on wheels, 32 na mga nakapiit ang pinalaya matapos ang 83 kaso na dininig, 61 mga kaso ang nadismis habang 22 kaso ang napagtibay.

Layon nito ayon kay Supreme Court Administrator Midas  Marquez na kasama sa pagtungo sa Pangasinan ang pagdinig sa mga matagal ng kaso upang lumuwag ang mga piitan at makalabas na ang mga hindi na karapat-dapat makulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply