Kaalyado ni GMA, dumagsa sa St. Luke’s

DINAGSA ng mga kaalyado ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang St. Luke’s Medical Center sa Global City Taguig bilang pagbibigay ng suportang moral at pagpapalakas sa kanyang loob kaugnay sa kinakaharap ng kasong electoral sabotage.

Hanggang dis-oras ng gabi ay may mangilan-ngilan pang mga dating kongresista, pinuno ng lokal na pamahalaan at ilang mga naging miyembro ng kanyang gabinete ang dumalaw kay Gng. Arroyo upang ihayag ang kanilang suporta sa dating pangulo.

Bagama’t wala namang inilalabas na medical bulletin ang mga doctor ng naturang pagamutan, sinabi naman ni Atty, Raul Lambino, legal spokesman ni Gng. Arroyo na nananatili pang may dextrose ang dating pangulo at mahinang-mahina pa ang kanyang kalusugan dahil sa kawalan ng ganang kumain.

Gayunman, kaninang tanghali ay tumangging magbigay ng anumang pahayag si Lambino sa media matapos ang kanyang pagdalaw sa dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply