Kaarawan ni Ninoy ipagdiriwang

IPAGDIRIWANG ng buong bansa sa Linggo ang ika-79 taong kaarawan ng yumaong Senador Benigno Aquino Jr., nanguna sa pakikibaka laban sa batas militar na pinairal ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos sa buong bansa simula noong 1972.

Pinaslang nang pataksil si Aquino noong Agosto 1,1983 sa Tarmac ng Manila International Airport na kilala ngayon sa tawag na Ninoy Aquino Internatinal Airport bilang parangal at pagkilala sa kanyang kadakilaan.

Maraming nagtatanong sa amin na mga kabataan lalo na ang mga estudyante kung bakit naging bayani si Ninoy Aquino Jr., asawa ng naging Pangulong Corazon C. Aquino at ama ng nakaupo ngayong Presidente Benigno Aquino III ng Republika ng Pilipinas.

Isa kami sa mga peryodistang naging mapalad na madestino sa Senado bilang aming reportorial beat sa buong panahon na senador si Ninoy Aquino Jr. at masaksihan ang paggawa ng bantog na senador ng kasaysayan sa panahong hinog na sa pagkulaps ang rehimeng Marcos.

Sa ganang amin ay may dalawang uri ng pagka-bayani: Bayaning pinangarap at sinadyang maging isang bayani at bayaning naging bayani lamang dahil sa “aksidente” ng kasaysayan o “tsamba” lamang.

Kabilang si Ninoy sa unang kategorya.

Si Ninoy ang pinakamasugid na kritiko ng Pangulong Marcos.

Pinatay siya noong Agosto 21, 1983 habang pauwi ng Pilipinas pagkaraan ng tatlong taong exile sa Estados Unidos.

Isinilang sa Concepcion, Tarlac noong Nob. 27, 1932, mga magulang ni Ninoy sina Aquino Sr. at Doña Aurora.

Ang kanyang pagkamasidhi at ambisyon na magtagumpay ay maagang dumating sa kanyang buhay nang ipadala siya ng pahayagang ManilaTimes sa Korea upang kuberin ang Digmaan sa Korea mula noong 1950 hanggang 1953. 17 taon lamang siya noon.

Nahalal siyang pinakabatang mayor ng tinubuan niyang munisipalidad sa gulang na 21.

Pagkatapos na maging mayor sa loob ng anim na taon ay tumakbo siya bilang gobernador ng Tarlac at nahalal na pinakabatang gobernador sa kasaysayan ng lalawigan.

Pagkaraan ay kumandidato si Ninoy sa pagka-senador at siya ay nanalo rin bilang pinakabatang miyembro ng Senado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply