Kaganapan sa Egypt sinusubaybayan ng DFA

SINUSUBAYBAYAN ng Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas ang mga kaganapan sa bansang Egypt na malawakang protesta laban sa military rule kung saan 41 na ang namamatay at libu-libo ang nasaktan.

Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Raul Hernandez, walang ulat na Pilipinong nadamay o nasaktan sa nabanggit na kaguluhan sa Cairo na kapital ng Egypt. Nagpalabas na rin ng advisory ang embahada ng Pilipinas sa pamamagitan ng Filipino community network na maging maingat at mapagmatyag at huwag sumali sa mga aktibidad na politikal. Pinaiiwas din ang mga Pilipino sa mga lugar na pinagdarausan ng mga protesta at kaguluhan.

Hindi pa umano kailangang magdeklara ng alert level at wala pa ring pangangailangn na pauwiin ang mga Pilipino sa ngayon, ayon pa sa tagapagsalita ng DFA.

Mayroong mahigit 6,500 mga Pilipino sa Egypt, karamihan ay sa Cairo at Alexandria kabilang ang mga professional at 1,674 na mga university students. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply