Kagawad binoga ng shotgun

ISANG Barangay Kagawad ang natagpuang patay at binaril umano ito ng 12 gauge shotgun sa lalawigan ng Capiz.

Ang biktima ay kinilalang si Barangay Kagawad Danilo Esto, 37, residente ng Barangay Riza Norte, Tapaz, Capiz.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing umano ang biktima sa isang panonood ng volleyball game nang sundan ito ng isang hindi pa nakikilalang salarin at paputukan ng shotgun.

Kinaumagahan na nakita ang duguang bangkay ng kagawad ng kanyang mga kapamilya.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Tapaz PNP para sa dagliang pagkadarakip ng salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply