Kagawad tigok sa nakaalitang kapitan

PATAY ang dating barangay kagawad matapos barilin ng isang barangay chairman dahil lamang sa paghahakot ng buhangin sa bahagi ng Barangay Osmeña, sa bayan ng Claveria, Masbate, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Kinilala ang biktima na si Simplicio Bogero, 44, habang pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek na si Chairman Victor Ballesteros, 48.

Base sa report na nakarating sa camp Crame, bago naganap ang pamamaril ay pinagbawalan ng biktima ang anak ng suspek na kumuha ng buhangin sa kanilang bakuran.

Dahil dito, agad na nagsumbong sa suspek ang kanyang anak at kinompronta ang biktima hanggang sa hindi magkasundo at nagresulta sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply