Kahit magtago, GMA maibabalik pa rin – Miriam

HINDI aabot sa isang taon at maibabalik sa Pilipinas si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sakaling magtago sa ibang bansa.

Ayon kay Senadora Miriam Defensor Santiago, maraming paraan upang madala pabalik ng bansa ang dating pangulo.

Binigyang diin pa ng Senador na sakaling hindi madala si Arroyo sa cancellation ng passport, deportation o extradition, maaari itong ipadukot ng Pilipinas sakaling magtago sa ibang bansa.

Aniya, ginagawa rin ito ng ibang bansa at magalit man umano ang estado na pagtataguan ng dating pangulo ay wala itong magagawa.

Subalit alang-alang sa reputasyon, naniniwala si Santiago na hindi na hihintayin pa ni Arroyo na dumating sa puntong ipadudukot siya ng gobyerno ng Pilipinas at sa halip, kusa itong babalik ng bansa sakaling makalabas upang magpagamot.

Pero nilinaw din ng senador na walag dahilan upang magtago si Arroyo dahil wala pa namang kaso na naisampa laban sa kanya.

Kasunod ito ng ulat na hindi pinayagan ng kanyang mga doktor na makabiyahe kanina ang dating Pangulong Arroyo dahil sa mahina pa rin nitong pangangatawan.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, ang tagapagsalita ng dating pangulo, ipinagpaliban na nila ang nakatakda sanang biyahe ngayong araw sa Singapore para sana sa isang medical appointment.

Si Arroyo ay sinasabing may scheduled checkup kaninang tanghali sa isang endocrinologist sa Singapore.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply