Kahit nahuhuli na: Sheena Halili super deny sa gap nila ni Rochelle Pangilinan

SI SHEENA Halili ang sumalang sa Don’t Lie To Me segment ng “Showbiz Central” at ang unang itinanong kay Sheena ng host ng naturang segment na si John ‘Sweet’ Lapus ay kung totoong kinilig si Sheena nang napasama sa “Amaya” si Aljur Abrenica?

No ang sagot ni Sheena sa tanong at Truth ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

“Wala din namang masama kung hahangaan natin si Aljur, Aljur Abrenica yan, di ba, si Machete. Wala namang masama kung humanga ka, ang guwapu-guwapo niya, lalaking-lalaki ang itsura niya pero hindi naman siguro yung kinikilig ka na talagang… di ba? Okay lang namang humanga, wala namang masama dun.”

Ang pangalawang tanong kay Sheena ay kung malaki na ba ang impluwensiya ni Rocco Nacino sa buhay niya? Balitang espesyal ang ugnayan ng dalawa at laging present si Sheena sa mga engagements or events ni Rocco.

No ang sagot ni Sheena at Lie ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Iniimbitahan ba siya ni Rocco sa mga events nito?

“Oo, naimbitahan ako run sa Fashion Week niya, yung sa Bench niya, naimbitahan ako, actually kasi meron din naman talaga rin akong event dun sa World Trade, after nun wala na rin naman, so in-invite niya ako, so wala rin naman sigurong masama na magbigay ng suporta sa isang kaibigan.

“Sa boxing na yun, dun kasi ako nagba-boxing, so alam ko naman na may laban at gusto ko ring ma-experience na manood nun, di ba?”

Tuloy pa ba ang panliligaw sa kanya ni Rocco o sinagot na ba niya ito?

“Walang ganun, basta lumalabas kami, kinikilala namin ang isa’t isa tsaka parehas kasi kaming nagpo-focus sa trabaho namin, so iyon. Ayaw naming madaliin lahat-lahat.

“Tsaka dalawang beses lang naman akong nakita sa event [ni Rocco], impluwensiya na talaga siya sa buhay ko, ganun na ba iyon?”

Ang pangatlong tanong kay Sheena ay kung totoo ba na nagde-deadmahan sila ng Amaya co-star niyang si Rochelle Pangilinan?

No ang sagot ni Sheena at Lie ang naging resulta ng sagot ni Sheena.

At ang paliwanag ng young female star, wala silang samaan ng loob ni Rochelle…

“Wala talaga! Nagulat din ako sa tsismis na yan.”

-0o0-

TITLE role na ngayon si JM De Guzman sa isang serye sa ABS-CBN titled “Angelito.. Batang Ama.”

Ano ang feeling ni JM na siya ang ibebenta sa isang show?

“Siyempre nakakakaba, nakaka-challenge at the same time. ‘Tsaka nakakataba ng puso dahli binigyan ako ng tiwala, ganito kabigat na tiwala na bihira ibigay sa mga artista ngayon,” sey niya na nominado ngayon sa Star Awards for TV para sa Best Actor by Single
Performance sa pagganap niya sa ‘MMK’.

“Tapos, masyadong mabibilis yung mga nangyayari. Right after ‘Mula sa Puso,’ meron na agad kasunod sa serye.

“So nasi-shock ako at the same time thankful sa ABS.

“So dobleng kayod para maibalik ko man lang yung pagtitiwala nila sa akin lalo na sa unit ni Direk Loren (Dyogi).

“Hindi naman nawawala yung pressure. Pero ginagamit ko na lang, hindi ko hahayaan na maging block yun para hindi ako makaarte ng maayos,”aniya.

Hangga’t maaari, ayaw ni JM na maging binatang ama sa totoong buhay.

Ang pagiging binatang ama ba niya ay hanggang sa serye lang? Hindi ba darating sa puntong magiging binatang ama rin siya sa totoong buhay?

“Ako, gusto ko talaga ng pamilya. Gusto kong magka-anak,gustung-gusto ko talaga.

”Pero sa sobrang gustung-gusto ko, ayoko pa ngayon dahil gusto ko yung lalabas na lang sila (anak) tapos yung okey na, yung ready na lahat.

“Yung meron na akong ipon, yung kumpleto na lahat, ganun.”

“Ayokong maghirap ang anak ko. Naranasan ko rin yung hirap e. Ayokong maranasan din ng mga anak ko,”

Nararamdaman ba ni JM na panahon niya ngayon?

“Ayokong isipin o ayokong dumating sa ulo ko na panahon ko ito.

“Ang mas pinanghahawakan ko ngayon yung grabeng tiwala na binibigay sa akin ng management, ni Direk Lauren.

“Dun ako nagpo-focus paano ko ibabalik ito (tiwala). Actually alam ko na kung paano. Abangan ninyo na lang,” sey pa niya.

Nagpaliwanag din siya tungkol sa isinulat naming pagbabad ni Nadia Montenegro sa condo niya.

“Alam ninyo, si Tita Nadia dumaan lang siya isang beses sa condo, nagdala lang ng pagkain sa amin. Kasi mabait lang sa amin ni tita Nadia.

“Actually, pag nalalaman niya na wala kaming ginagawa, pinagluluto niya kami ng pagkain, yun lang,” pagtanggi niya pero naninindigan ang aming source na pinagtatakpan lang ni JM ang ‘babad’ issue na ito.

Sinasabi ng iba na nega si Nadia kaya hindi raw dapat hinayaan ni JM na madidikit ang pangalan niya rito.

“Eto lang yan e, kung nega siya, bakit ako lalapit sa kanya?

“Kung may ipinapakita siyang masama sa akin, bakit ako lalapit sa kanya?

“Sa akin wala siyang masamang..kung may isyu man siya sa iba, labas na ako dun.

“Pero sa relationship ko bilang kaibigan sa kanya, wala siyang masamang  intesyon sa akin.”

Well sana nga! Harinawa!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply