Kahit saang network pa mapunta Sharon Cuneta suportado ng Sharonians

HINDI naman katulad ng ibang celebrity ang Nanay-nanayan naming si Sharon Cuneta na maligalig at basta-basta na lang lilipat ng ibang network. Si Sharon, nag-i-stay nang matagal sa kanyang mother studio. Looking back, naka-ilang taon siya noon sa IBC 13 at lampas dalawang dekada naman sa ABS-CBN. So, maiintindihan naman siguro ng Kapamilya network ang naging desisyon ng Megastar kasama ang mga nagha-handle ngayon ng kanyang career na sina Boss Vic del Rosario at longtime manager na si Sandra Chavez na maging Kapatid talent na.

Yes, kumpirmado ng nasa TV5 na si Shawie kung saan pumirma na ito ng recently ng 5 years exclusive contract. Kasama siyempre ni Nay Sharon sa kanyang contract signing si Boss Vic.

At very soon, ilan sa mga projects na gagawin ni Mega sa Singko ay ang mala-Ophra Winfrey talkshow sa Hollywood kung saan mapanonood siya rito on a daily basis sa afternoon slot ng TV5. Meron ding gagawing Reality Show ang sikat na aktres at lahat ito ay mula sa kanyang Mega Productions. Well, ito lang ang aming masasabi namin, kahit saang network man mapunta si ‘Nay Sharon ay patuloy namin siyang mamahalin at susuportahan tulad ng kanyang minamahal na mga Sharonians sa buong mundo. More power and good luck gyud!

***

Coco Martin, Jay Ilagan ng bagong henerasyon

REMEMBER nung time na nabubuhay pa si Jay Ilangan? Isa siya sa pinaka-in-demand nating actor. Pinag-aagawan talaga ng mga movie producers noon si Jay at daang pelikula ang nagawa nito noong nabubuhay pa. Well, hindi lang naman kasi guwapo ang late actor kundi mahusay pa talaga siyang umarte.

Sa ating bagong henerasyon, nakikita naming kapalit ni Jay ay walang iba kundi ang isa sa top actors natin na si Coco Martin. Halos magka-level ang intensity ng acting ng dalawa na may impact talaga sa mga manonood. Ang pagkakaiba lang, dahil hindi pa uso noon ay hindi nakagawa si Jay ng Indie film tulad ni Coco na rito unang nakilala at naging sensational talaga sa launching vehicle niyang Masahista na sinundan ng maraming iba pa at kasama nga roon ‘yung Serbis na nabigyan pa ng parangal sa ibang bansa.

Pagdating sa awards, kaliwa’t kanang parangal na ang mga tinanggap ni Coco mula PMPC Star Awards for Television, 20th KBP Golden Dove Awards kung saan tinanghal ito bilang Best Actor in a Daily Soap Opera para sa mahusay na pagkakaganap sa papel ni Ringo sa teleseryeng “Kung Tayo’y Magkakalayo.”

May apat na bagong nominations rin ang actor. Dalawa sa PMPC Star Awards uli para sa kategoryang Best Actor para sa kabilib-bilib na portrayal nito ng dual role sa teleseryeng nagpasikat ng husto sa kanyang Minsan Lang Kitang Iibigin at Best Single Performance by an Actor naman para sa pagganap niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya entitled “Silbato.”

Sa darating na Golden Screen Awards, two nominations rin ang nakuha ni Coco at ito ay para sa dalawang programang nabanggit sa itaas sa kategoryang Outstanding Performance By An Actor In A Drama Series for Minsan Lang Kitang Iibigin at sa MMK episode na Silbato nominado naman siya sa Outstanding Performance By An Actor in Single Drama.

Si Coco rin ang tinanghal na Prince of Philippine Movies for the movie “Sa ‘Yo Lamang.” Ginawaran naman siya ng Best Actor throphy ng Gawad Tanglaw Awards para sa pelikula nitong “Noy.” Gumawa rin ng history si Coco dahil, siya ang pinakabatang aktor na nabigyan ng parangal ng Gawad Urian Awards bilang Aktor ng Dekada. Lahat ng ito ay nakamit ni Coco sa tulong at pagbi-build-up sa kanya ng ABS-CBN at siyempre sa all-out-support na binibigay sa kanya always ng manager na si Sir Biboy Arboleda.

Sa ipinatawag ng actor na birthday presscon(kaarawan niya last Nov.1) na ginanap sa Annabelle’s Resto para personal na makapagsalamat sa lahat ng entertainment press na nakatulong sa kanyang career, ipinahayag ni Coco na next year ay muli siyang mapapanood ng kanyang fans sa bago niyang primetime teleserye sa Dos na “Walang Hanggan” kung saan ang fast-rising dramatic actress na si Julia Montes ang bago niyang leading-leady rito. Kasama rin sa cast ang mga brilliant actors natin na pinangungunahan ni Susan Roces, Richard Gomez, Dawn Zalueta, Rita Avila, Paulo Avelino, Joem Bascon, Melissa Ricks at ang nakasama noon ni Coco sa “Tayong Dalawa” na si Tita Helen Gamboa.

Nasa halfway naman sila ng shooting ni Angeline Quinto para sa first team-up nila para sa pelikulang “You Light Up My Life” mula sa Star Cinema. At dahil sa itinuturing na isa na sa pinakasikat nating actor ngayon ay hindi rin nawawalan ng endorsement si Coco. Patuloy nitong ini-endorso ang mga produktong Nescafe 3-in-1, Wow Ulam, Boardwalk, Wade, Bench, Belo at ang RDL Freshmen Astrigent.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply