Kalilipat pa lang nagbakasyon na agad! (hakhakhak!)

KAANING-ANING naman ang episode ng isang teevee host/actress na wala pang isang buwang nakalilipat sa isang network ay nag-leave na kaagad. Hakhakhak!

Pa’no naman, naapektuhan sa kamalditahan ng main host na day in, day out ay wala nang ginawa kundi magkakatsang tungkol sa pagiging taken na supposedly ng kanyang mga co-hosts kaya di na siya maka-ending o makapagbiro nang todo-todo sa kanila.

Simply stated, pinararamdam niyang kundi lang daw malakas ang backer ng kalilipat lang na female teevee personality ay di ito makapapasok sa kanyang show.

Hahahahahaha! What a way to welcome someone who has exerted some gigantic efforts just to be a part of the show.

Suffice to say, mapera nga ang nasabing teevee personality pero wala namang breeding ni katiting at kung makapagmura raw off-cam ay masi-shock talaga ang mga manang na kiyeme-kiyemeng mahal na mahal daw niya sa kanilang show ever.
Hakhakhak!

Is that really what you would call as love in its most authentic meaning?

I don’t think so!

Anyway, kung dati-rati’y sacred cow siyang maituturing at walang sinumang makapagreklamo mereseng overtime king siyang matatawag, these days with the advent of new stellar ‘recruits’ at the network he’s under contract with, things have inordinately altered.

Kung ang magaling at sikat na aktres ay di nakapag-emote mereseng overtime siya to the max kaya naapektuhan nang husto ang soap nito, these time, with the advent of new ‘recruits’ who are more outspoken and feisty, he could no longer throw his weight around the way he used to. Hakhakhak!

Kahit ang gurang na pralaling niya ay di na makaeksena dahil mas palaban ang mga bagong dating sa network kaya medyo lie-low muna ang katarayan ng dati-rati’y overtime king na teevee host.

Well, each dog has its own day. Kung dati-rati’y ang mataray na teevee host ang naghahari sa nasabing network, hindi na niya solo this time ang trono dahil may mga bagong dating na mas may “K” sa kanya at di maduduro ng Nganga Queen na matandang mahilig sa mga lalaking bagets. Hakhakhakhak! Yosi-kadiri! Tanda-tanda na’y bagets pa ang trip. Mahiya ka sa balat mo, oy!

Magpa-lipo ka muna kaya dahil ang sagwa-sagwa mong tingnan sa telebisyon lalo na’t nagpapa-cute ka, gurangis ka na naman. Hahahahahahaha!

Going back to the foul-mouthed teevee personality, sa totoo, no matter how protective your benefactor in that network would be in as far as you’re concerned, you’re good as dead, lola. Hakhakhak!

Pagbabayaran mo lahat ng kinana mo dahil malapit ka nang matigbak sa network na ‘yan na sa graveyard shift ka na inilagay dahil wala namang nanonood sa show ninyo dahil sa turned off sila sa istilo mong pinaglumaan na nang panahon.

‘Yun lang!

***

Dapat pa bang ituring na parang bata

ANG tindi naman nitong si Donia Divine na kung ituring ang anak na si Sarah Geronimo ay parang batang paslit pa gayung nasa tamang edad na ito.

Sa presscon ng movie nitong “Won’t Last A Day Without You” na ginanap sa pabolosong Dolphy theater ng ABS-CBN, after the usual question and answer portion kung saan nagpakita ng kakaibang closeness ang main protagonists ng nasabing Star Cinema movie, (very evident kasi sa body language nung dalawa na kumportable na talaga sila sa isa’t isa) ang ending ay na-sight na krayola si Sarah nang pasimple for some reasons too baffling for the press to comprehend.

Pero ‘yung mga nakakikilala sa drama ng terror na madir ni Sarah ay nag-conclude na baka raw nag-ala-Zeny Zabala na naman ang mahaderang madir ng aktres kaya napaiyak nang wala sa oras ang martir niyang anak.

Well, I guess it’s high time that this aging woman should treat her daughter with a modicum of respect and some kind of dignity.

Over naman ang ginagawa niya considering na nasa mid or early twenties na ang kanyang anak pero kung ituring niya’y para bang menor de edad pa ito na wala pang huwisyo sa buhay.

Jesus H. Christ! What are you doing, Donia Divina? Don’t you think it’s high time that you give your hardworking daughter a modicum of dignity?

Kayod-marino na nga ang anak mo, di ka man lang marunong magbigay ng konting kunswelo?

Bad ‘yan! Stop treating your daughter like a doltish kid because she is no longer one.

Ikaw rin, kapag nagrebelde ‘yan tulad ni Queenstar Vilma Santos during the 80s, baka ikabaliw mo.

‘Yun lang!

Remember, lola, too much of everything is not good!

Period. Walang comma!

***

Duncan Ramos ‘Unleashing The Knight’ at Metrobar, December 3

DUNCAN Ramos is back onstage with a repeat of his successful concert titled “Unleashing The Knight” on December 3, 9 p.m., at Metrobar, West Avenue in Quezon City. Special guests are Soul Siren Nina, Prima Diva Billy, General Benjie Bellarmino Jr. and Luke Mejares.

Unleashing The Knight was first staged last June 28 at Zirkoh, Tomas Morato. It marked the first solo concert of Duncan.

Fans and music lovers can expect only the best from him in his concert since he’s  always a formidable presence whenever he performs onstage. “It will be a great night of fun and music. I’m blessed to be given this chance to perform onstage and entertain people,” says Duncan.

Duncan is very busy with his showbiz projects. He is also a member of the ASAP Sessionistas and recently won the 2011 Urban Music Awards Best Male RnB Pop Artist of the Year award.

He is a former frontman of South Border and had first caught the public’s attention at a young age when he impressed the crowd with his powerful performance of Gary Valenciano’s songs.

Duncan Ramos is a Backroom artist. For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com

***

Nag-react ang mga Noranians sa tsakang si Bubonika!

NAKATANGGAP kami ng mensahe galing sa mga fan ng Superstar na si Nora Aunor.

“Dati________________(tabloid na sinusulatan ni Lola Ferminata) ang binibili ng buong compound namin, ngayon Remate na.

“Negative lahat ang sinasabi ni Ferminata kay Ate Guy. Puede bang magsulat naman siya ng positive? Bigyan naman natin ng chance si Guy.

“Imagine, ultimo CNN bilib na bilib sa Cinderellang ito.

“Isipin na lang natin ang maraming nai-contribute ni Guy sa showbiz.

“Wasakin man niya (Ferminata Lukresya..Hahahahahaha!) si Ate Guy, matagal nang established ‘yan.

“Ultimo ngang si Lea Salonga bilib na bilib sa kanya at never niyang itinago ang paghanga niya sa bulilit nating Superstar.

“Napakahusay naman kasing artista ni Nora at imortal na sa isipan ni Lea ang golden voice nito.

“May license ‘yang magsabi nang totoo!

“‘Yung Juicy, matagal na naming tinigbak. Isang bangungot na lang ‘yun. Remate na kami for good!

“‘Yung good traits ni Ate Guy na di alam nang nakararami,” he points out emphatically, “nu’ng time na ang lola namin 50/50 sa ospital, siya lahat tumulong from bayad sa hospital at sa mga gamot.

“Helpful and kind ang taong ‘yan.

“Ang di alam nang lahat, isa lang me sa pangkaraniwang fan niya pero talagang all-out ang ginawa niyang pagtulong!”

Heto pa ang isang Remate reader na avid fan naman ni Megastar Sharon Cuneta.

“Sir Pete, masugid po akong tagasubaybay sa inyong column sa Remate. Natutuwa po kami sa haws pag tinitira n’yo si Ferminata. Deserved n’ya po ‘yun na di respetuhin dahil sa pag-uugali niyang balimbing at biased magbalita,” she asseverates.

“Dati, panay negative write-ups sinusulat niya kay Megastar pero ngayon, kala mo santo kung purihin.

“How I wish kainin siya ng lupa at matanggal sa TV5!

“Siya ang nakasisira sa TV5 kaya super baba ang ratings! Kabwisit kasi ang lola mo.

“Sana’y makarating ito sa management ng TV5.”

Hahahahahahahahaha!

You could just imagine how anathema Ferminata is to most ordinary people who are inordinately repulsed with her diabolically nauseating attack and collect ways.

No wonder, her shows are being shunned away from, Mo Twister has decided to leave and work in the US of A instead.
Hakhakhak!

Sino ba naman ang magtitiyagang manood? Ngetpalites na nga, mukhang anda pa at kabalangic! Hakhakhak!

Kabalangic daw, o! Hahahahahaha!

Cheap!

***

Panat na ang nota ni Papa

DATI-RATI, super hot talaga ang arrive niya sa publiko at marami talaga ang interesadong ma-sight ang kanyang que largo grandeng nota.

But times have inordinately altered and no one seems to be that interested anymore.

Kung dati kasi’y bongga ang imazh niya under the protection of his former manager who was most caring and protective of him.

Sa ngayon, nakahahambal ang kanyang hitsura lalo na’t makikita mo siya sa presscon ng mga indie movie na kanyang nilalabasan na para bang aning-aning na at panay ang touching galore sa mga fooding sa mesa habang extremely appalled na nakatingin sa kanya ang working press at mga kapwa artista.

How so very sad!

Di na nga siya nagdo-droga pero obvious na naapektuhan na rin ang kanyang pag-iisip.

Nakahahabag naman.

***

Marami ang nanabik kay Ate Vi!

BINABASA n’yo ito, all roads lead to Batangas City in connection with the presscon that the Queenstar for all seasons is slated to tender in connection with the foundation day of Batangas City.

Matagal-tagal din namang na-miss ng working press si Ate Vi kaya nakasisiguro kaming maraming press ang dadayo roon para kapanayamin ang very accommodating actress /politician.

Ang maganda lang kay Ate Vi, personalized ang pag-asikaso niya sa ‘yo and she seems to have an elephantine memory.

I’m sure na marami na naman siyang magagandang balak sa Batangas na idi-divulge niya sa presscon.

Anyway, seeing Vilma in person after quite sometime is always a wonderful experience to look forward to.

Sa mga ngiti lang ni Ate Vi ay bawing-bawi ka na, idagdag mo pa ang kanyang mga haplos at nakaaaliw na kwento at talaga namang sulit na sulit na ang malayong biyahe mo.

Honestly, meeting with the Queenstar has always been a momentous occasion for us and the rest of the working press as well.

Bukod sa masasarap na pagkain, ang sarap-sarap din ng pakiramdam na binibigyan ka nang importansiya ng taong pinupuntahan mo.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you Nong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply