Kamara kumbinsido sa panalo ni Pacquiao

WALANG pagdududa na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang kampeon.

Ito ang paninindigan ng liderato ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Feliciano Belmonte, Jr., at Majority Leader Miro Quimbo.

Sa pagdalo ngayong hapon sa sesyon ni Pacquiao ay isang mainit na “pag-welcome” mula sa mga kasamahang mambabatas ang naghihintay sa kaniya.

Ito ang unang araw na dadalo ng sesyon si Pacquiao matapos ang kontrobersyal na pagkapanalo niya laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

“I myself will welcome him, we have approved a resolution of congratulations to him and as far as I am concern there is no question that Manny Pacquaio is the winner and the champion and so forth.”

Aminado si Belmonte na siya man ay nakaramdam ng pagka-dismaya dahil umaasa siyang mapapabagsak ni Pacman si Marquez pagsapit ng ika-apat na rounds.

“Ang naging problema talaga yung tremendous expectations of people on him. Ako nga tinatanong ako kung ano ang bet at ika ko 4th round. See since expectation ko rin mataas but no question among us as champion and member of this chamber we will accord him all the accolades necessary.”

Kung may naghihintay na victory party para sa boksingerong kampeon ay sinabi ni Belmonte na “iyong victory party na ginawa namin noong araw is really the initiative of some members rather than the House itself. If some members will initiate that, totally ako sisipot and celebrate with them.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply