Kampanya vs paputok sinimulan na ng DoH

NGAYON pa lamang ay sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang kampaniya laban sa mga paputok.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, nakikipagpulong na sila sa local government units at iba pang stakeholders upang humanap ng iba pang pamamaraan na maaari nilang ipatupad sa nalalapit na holiday season upang mabawasan ang bilang ng mga nabibiktima ng mga paputok.

Isa umano sa tinitingnan nilang paraan ay ang ginawa sa Makati City noong nakaraang taon kung saan nagkaroon na lamang ng street party at sa Maynila, kung saan ay nagsagawa naman ng fireworks display sa Manila Bay.

Pormal nang ilulunasd ng DOH ang kanilang anti-fireworks campaign sa susunod na dalawang linggo.

Mahigit 1,000 firecracker-related injuries ang naitala ng DOH sa ginawang pagsalubong ng mamamayan sa taong 2011 at karamihan sa mga ito ay pawang mga paslit lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply