Kampo ni GMA balak ipadisbar si De Lima

PINAG-AARALAN ngayon ng kampo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na maghain ng disbarment case laban kay Justice Secretary Leila de Lima matapos ibasura ng kalihim ang hiling na allow departure order (ADO) ng mambabatas.

Sinabi ng tagapagsalita ni Gng. Arroyo na si Elena Bautista-Horn, isa sa mga grounds na kanilang gagamitin ay ang hindi pagpayag ni De Lima na makapagpagamot sa ibayong dagat ang mambabatas na aniya ay malinaw na paglabag sa Saligang Batas.

Binatan pa ng kampo ni Arroyo ang kalihim sa pagsasabing ginagagamit ni De Lima ang isyu upang maagang makapangampanya at maka-libreng exposure sa media dahil malinaw ang intensyon nitong tumakbo sa pagkasenador sa 2013 elections.

Giit pa ni Horn na kawawa si Gng. Arroyo dahil ginagamit lang ng ilan na nag-aambisyong kumandidato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply