Kampo ni GMA dismayado na sa DOJ

DISMAYADO ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil hindi pa rin pinapayagan ng Department of Justice (DOJ) na magpagamot ito sa ibang bansa.

Ito ay matapos na muling ipagpaliban ni Justice Secreary Leila de Lima ang pagapalabas ng Allow Departure Order (ADO) para sa dating Pangulo.

Ayon sa kalihim, bagama’t lumabas na ang resulta sa medical condition ni Gng. Arroyo ay kailangan pa rin nila ng masusing pagbusisi sa mga dokumento nito.

Nilinaw pa ni de Lima na hindi nila kasalan ang pagkaantala ng ADO ng dating Pangulo, sa halip ay nagiging metikuloso lamang sila lalo pa’t malaking usapin ang nakapaloob dito.

Hindi rin umano malinaw ang aplikasyon at supporting documents ni Gng. Arroyo na isinumite sa DOJ sa mga bansang nais nitong makapagpagamot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply