Kampo ni GMA, kinuwestiyon ang kapangyarihan ng Pasay RTC

UMALMA ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo makaraang kuwestiyunin ang kapangyarihan ng Pasay Regional Trial Court na dinggin ang kasong electoral sabotage na isinampa laban sa kina dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr., at provincial election supervisor Lintang Bedol.

Batay sa 14-pahinang mosyon ng kampo ni Arroyo, naniniwala silang wala sa ilalim ng kapangyarihan ng Pasay RTC na dinggin ang naturang kaso dahil kasalukuyan pang Pangulo ng bansa ang akusado nang mangyari ang sinasabing pananabotahe sa 2007 national elections.

Nanindigan naman ang mga abogado ng dating Pangulo na dapat ay isinampa sa Sandiganbayan at hindi sa Pasay RTC ang kaso bilang opisyal ng pamahalaan ang mga inaakusahan.

Hiniling din ng mga abogado ng dating Pangulo na bawiin ang inlabas na warrant of arrest ni Judge Jesus Mupas dahil wala sa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang pagdinig sa kaso.

Nakasaad din sa naturang mosyon, ang pagtutol sa posibilidad na paggagawad ng hold departure order (HDO).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply