Kampo ni GMA maghahain ng petisyon sa SC

MAGHAHAIN ng karagdagang petisyon sa Lunes (Nobyembre 21), ang kampo ni dating Pangulo at ngayn ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Supreme Court upang humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) at petisyon upang suspendihin ang anumang paglilitis na gagawin ng hukuman laban sa dating Pangulo.

Ayon sa abogado ng kampo ni Gng. Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio, magsasampa sila ng petisyon upang suspendihin ang isinagawa ng Department of Justice (DoJ) at Comelec joint panel laban kay Gng. Arroyo na nagresulta ng pagkaka-aarseto sa kanya makaraang mabilis na makapagkain ng warrant of arrest laban dito ang Pasay City Regional Trial Court sa ilalim ni Judge Jesus Mupas ng Branch 112 dahil sa kasong electoral sabotage.

Samantala, nakuhanan na ng mugshot at fingerprints si Gng. Arroyo habang nasa ilalim ito ng Hospital arrest sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Napag-alaman na dakong alas-3:45 kahapon ng hapon nang simulan ang proseso kung saan ay tumagal ito ng halos isang oras.

Nabatid kay S/Supt. Joel Coronel, hepe ng National Capital Region Police Office-Criminal Investigation and Detection Group (NCRPO-CIDG) habang kinukuhanan ng litrato si Gng. Arroyo gamit ang isang digital camera ay nakasuot pa rin ito ng neck brace at hospital gown.

Ang nakuhang mga larawan at fingerprints ni Gng. Arroyo ay isusumite ng awtoridad sa Pasay City RTC na isa sa mga requirements bago litisin ang akusado.

Kaugnay nito, hiniling naman ni Atty. Topacio na huwag na munang isapubliko ang mga nakuhang larawan ni Gng. Arroyo upang hindi umano ito kumalat at muling gawing katatawanan gamit ang ilang social networking site.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply