Kampo ni GMA naghain ng petisyon sa SC

INIHAIN na ng kampo ni Pampanga Rep. Goria Macapagal-Arroyo sa Supreme Court (SC) ang petisyon upang makapagpagamot  sa ibang bansa matapos na i-deny ng Department of Justice (DOJ) ang kanyang Allow  Departure Order (ADO).

Kasunod ito ng pagbura ng DOJ sa kahilingan ng dating Pangulo na mapayagan itong makabiyahe at makapagpagamot sa ibang bansa.

Ayon kay Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Gng. Arroyo, ito rin umano ang dahilan kung bakit una na silang naghain ng petisyon sa SC upang kuwestyunin ang kapangyarihan ni De Lima.

Kasama rin sa inihaing petisyon ng kampo ni GMA sa  Supreme Court ang pag-isyu  nito sa temporary Restraining Order (TRO)  sa ipinalabas na watchlist order ng DOJ.

Umaasa naman ang panig ng dating Pangulo na tutugunan ng SC ang kanilang kahilingan.

“Mukhang sa kanilang body language ay nakita na natin na talagang hindi sila papayag. Kaya nga po dumulog na tayo sa Supreme Court para dalhin sa legal ang laban,” ayon kay Bautusta.

Kahapon (Nobyembre 8) lamang inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima ang kanyang desisyon kaugnay sa ADO ni Arroyo kung saan na-deny ng request ng dating Pangulo.

Ayon kay De Lima, hindi ito kumbinsido sa dahilan ni GMA na kailangan nitong makapagpagamot sa ibang bansa.

Bukod dito, marami rin umanong discrepancy  sa isinumiteng medical abstract nito.

Naging basehan din ng kalihim ang resulta ng findings ni Health Sec. Enrique Ona na patuloy ang paggaling ng dating Pangulo at hindi na kailangang magpagamot sa abroad.

Naging isyu din umano kay De Lima ang paiba-ibang listahan ng mga bansang balak bisitahin ni Arroyo.

“It’s a denial. I am not convinced to the justification for us to grant the request,” ani De Lima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply