Kampo ni GMA nakapaghain na ng mosyon sa hiling na hospital arrest

NAKAPAGHAIN na ngayon ng “motion to place under hospital arrest” ang kampo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Pasado alas-singko ng hapon nang maisumite ni Atty. Lawrence Arroyo ang mosyon sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Nakasaad sa walong-pahinang mosyon ang medical records na naglalaman ng tunay na kalagayan ni dating Pangulong Arroyo.

Pirmado nina Dr. Brian Cabral, Dr. Juliet Cervantes, Dr. Mario Ver at Dr. Roberto Mirasol ang medical record ng mambabatas.

Didinggin ang nasabing mosyon sa Biyernes, Nobyembre 25.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply