Kampo ni GMA, prosecution pinagsusumite ng mosyon hanggang sa Martes

PINAGSUSUMITE ng korte ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at prosekusyon ng kani-kanilang mosyon hanggang sa Martes (Nobyembre 29).

Ayon kay Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Clerk of Court Atty. Joel Pelicano, sa Martes ang deadline na ibinigay ni Judge Jesus Mupas para magkapagsumite ang mga abogado ni dating Pangulo ng kanilang “written motion” ukol sa hirit na “house arrest.”

Sa Martes din ang deadline na ibinigay sa prosecution para naman sa hirit na ilagay na sa isang detention facility si Gng. Arroyo.

Sinabi ni Pelicano na posibleng sabay nang dedesisyunan ito ni Judge Mupas sa Martes.

Sa ngayon ay pinayagan munang manatili si Gng. Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply