Kanino ka susurender: Sa parak o sa kapitan?

LUMIKHA ng ilang katanungan ang paglantad at pagsuko ng suspek sa pamamaslang kay Charlie Pempengco, ang ama ng sikat na singer na si Charice.

Ang mga katanungan ay maaaring maliit pero maaari ring hindi madaling sagutin.

Pero ang isang mahalaga nating nakikita ay ang papel ng mga lokal na opisyal sa paglutas ng mga krimen.

SINA KAPITAN AT MEYOR

Kakaiba ang damdamin ng isang salarin na suspek sa krimen kung nag-iisip ito na sumuko.

Mas pinipili nito ang higit na ligtas na kamay kumpara sa kamay ng mga alagad ng batas.

Marahil, ito ang dahilan kung bakit sumuko si Angel Capili sa kapitan ng barangay na si Rolando Pagkaliwangan sa bayan ng Gen. Trias, Cavite kaysa sa mga pulis.

Umakyat ang pangyayari sa opisina ni  Gen. Trias Mayor Luis Ferrer at dito na naipasa si Capili sa kamay ng mga pulis.

TORTURE O SALVAGE

Hindi man sinasabi ni Capili, kahit isa siyang mamamatay-tao, takot din siyang mapatay.

At posible siyang mapatay ng mga pulis kung sa kanila siya susuko.

Tatak na yata ng mga pulis ang salvaging.

Lalo na kung sa akala nila ay hindi sila ang makakuha ng reward na itinaas ni Laguna Governor ER Ejercito.

Kasi karaniwang rason na trabaho nila ang manghuli ng mga kriminal at hindi ang pagiging bounty hunter.

‘Di ba, Mayor Abner Afuang?

Kung mapatay siya, tiyak ang kita ng mga pulis sa punerarya.

Isa pa, may bahid na ng pagdududa ang pagsuko sa mga pulis dahil sa rekord ng mga ito na mang-torture.

Eh kung tatalian muna ang yagbols niya saka kukutingtingin bago siya iharap sa press conference?

Yan ay kung hindi siya isa-salvage.

P2ooK REWARD

Maganda ang ginawa ni Gov. ER Ejercito na nagpalabas kaagad ng reward money o pabuya sa pagkakadakip ni Capili.

Kaya naman umikot nang todo ang puwit ng mga pulis para hulihin si Capil dead or alive.

Kahit sibilyan ay tiyak na magkakainteres sa kaso at sa huli, kung suwertehin sila, ay sa kanila mapupunta ang reward.

Minus siyempre ang para sa mga pulis. Hehehe!

Ang masama lang nito ay kung masanay ang mga pulis at sibilyan na mandedma sa krimen hangga’t walang reward money.

Walang malulutas na krimen diyan.

MAGASTOS NA DELIKADO PA

Ang iniiwasan kasi ng mamamayan, mga Bro, ay ang mga bunga ng pagkakasangkot nila sa krimen, kahit bilang saksi.

Magastos ang pagpunta-punta sa korte.

At kung mahirap ang nakasaksi sa krimen, madaragdagan lang ang kanyang gastos nang walang kapalit.

Paano pa kung makaligtas sa conviction ang akusado?

Paano ang buhay niya?

Eh, hindi ka naman nakasisiguro lagi sa proteksyon ng pamahalaan mula sa isang kriminal.

Marami pang kaso na makaraan kang mabigyan ng witness protection program, bigla ka na lang bibitawan ng gobyerno.

Kaya naman, saka na lang kikilos ang mamamayan na tumulong laban sa krimen kung mayroon silang pamalit sa gastos at pambili ng pamprotekta nila sa kanilang mga sarili sa resbak ng kriminal.

WALANG ABOGADO

Nang iniinterbyu ng mga kabaro natin si Capili, napag-alaman na wala itong abogado na gumagabay sa kanya.

Hindi siya binigyan ng abogado ng mga kinauukulan.

Lumilitaw ding wala itong kaalam-alam sa kanyang karapatan na magkaroon ng abogadong kanyang sariling pili o counsel of own choice.

Ngayon, anoman ang nabanggit niya sa mga interview, mga Bro, lalo na ang mga self-incriminating o nagdidiin sa kanyang sarili, paano ang kanyang karapatan na maituturing na inosente hangga’t hindi siya napatutunayang nagkasala ng hukuman.

Maliban lang kung sa mga araw ng paglilitis ay umamin siya sa krimen.

At ang tanging ipauunawa sa kanya ng hukom ay kung naiintindihan niya ang bunga ng kanyang pag-amin  na walang iba kundi ang pagkakasuwak niya sa kulungan makaraan siyang masentensyahan.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

BUS, JEEP NAKAHAMBALANG

Gud am, Sir Benny. Dito po sa amin sa Alabang, Muntinlupa City, may milagro sa viaduct going to  Sucat,

Nakahambalang ang mga bus at jeep in front of MTMB. Try ninyo pag mag-refill kayo especially kung manggagaling ka sa East Service road. +63907391

PAIHI NG DIESEL SA CAVITE

Good am, Sir Benny. Puwede po bang batikusin ninyo ang talamak na paihian ng diesel dito sa Southcoast, Carmona, Cavite.

Gabi-gabi ang operation nila rito.

Mga pulis-Carmona pa ang tagakolekta.

Sir Benny, kawawa naman po kaming walang ginagawang masama dito.

Pati kami napaghihinalaan ng amo namin na nagbebenta rin dito.

Kasi ang garahe namin ay mismo rito sa Southcoast.

Sir Benny,  sana naman po maaksyunan itong talamak na paihian dito.

Kawawa po kaming nadadamay.

Para naman po kay Mayor Loyola: Mam, wala po ba kayong alam sa  paihi operation dito? Rex, ng Carmona. +63923315

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply