Kapakanan ng mga OFW ang prayoridad ng gobyerno

KAPAKANAN ng overseas Filipino workers (OFW) ang uunahin muna ng gobyerno kaya kinatigan nito ang deployment ban na ipinatutupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa.

Sa kabila ng ban, pinahihintulutan ng gobyerno ang pagtatalaga ng OFWs sa mga kompanya at kontratistang mayroong pandaigdigang operasyon kung susundin ng mga ito ang mga pamantayang itinakda.

Ayon kay Ochoa, sa rekord ng Department of Labor and Employment ay maliit na bilang lamang ng mga OFW ang apektado ng kautusan na nagbabawal ng pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa 41 na bansa.

Kinikilala ng malaki ng gobyerno ang malaking ambag ng mga OFW sa pambansang ekonomiya kung kaya habang tinitiyak ang kanilang kaligtasan ay lalo pang palalawakin ng nakatalagang ahensiya ang pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong pangkabuhayan.

Sa pagsusuri ng DOLE, ang deployment ban ay nakaaapekto lamang sa mahigit 200 OFW na kusang-loob na umuwi ng bansa para mapabilang sa iba’t ibang integration program ng gobyerno.

GL na drug lord sa teritoryo ni Calixto

Dumako tayo sa Pasay City, silipin natin itong operasyon ng sugal na lotteng ni Carlo Taba sa nasabing lungsod.

Alam n’yo ba na hindi lang ang iligal na pasugalan ang ikinakalat ni Carlo Taba sa lungsod ng Pasay.

Maging ang illegal drugs ay ipinalalaganap ng mamang ito sa bawat mga barangay sa lungsod.

Ayon sa ating impormante, kung iinspeksyunin lang ng mga awtoridad ang sasakyan ni Carlo Taba ay makikita ninyo sa sasakyan nito ang ibinebenta nitong droga.

Malakas ang loob kasi ni Carlo Taba dahil ipinagmamalaki niya na malakas siya kay Mayor Tony Calixto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply