Kapitan ginilitan ng may sayad

HALOS maghiwalay ang ulo at katawan ng isang barangay kapitan sa lalawigan ng Camarines Sur makaraang pagtatagain ito ng hinihinalang may diperensiya sa pag-iisip na lalaki.

Nabatid na rumespunde laman ang biktimang si Brgy. Captain Raul Ribas kasama ang ilang miyembro ng barangay tanod sa sumbong na may naghuhurumintado umano ang suspek na si Dennis Paraiso, 32 at residente ng Barangay Mambayawas, Libmanan, Camarines Sur.

Nauna nang nagwala ang suspek na may hinihinalang may problema sa pag-iisip at pinagtataga nito ang kanyang bayaw na si Eden Veloso at kapitbahay na si Emman Mora na kasalukuyang nasa ospital.

Ayon kay PO2 Demostinos Hermita na may hawak ng kaso, nagalit umano uli ang suspek nang pumunta sila kapitan at sinugod kaagad nito at pinagtataga.

Hinuli din kaagad si Paraiso ng mga rumespondeng pulis.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply