UPDATE: Kapitan na nagpasuko kay Capili tumanggap ng P200K

IBINIGAY na ni Laguna Governor ER Ejercito ang reward money sa kapitan na nagpasuko sa nakapatay sa tatay ni international singing sensation Charice Pempengco na si Ricky Pempengco kanina sa Camp Crame, Quezon City.

Ikinuwento ni barangay captain Rolando Pagkaluwangan na hinimok niya ang misis ni Capili para pasukuin ang suspek.

Kaya nang sumuko ang suspek ay idinulog ng kapitan kay Gen. Trias Mayor Luis A. Ferrer na siya namang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Ipinahayag naman ng kapitan na nag-ugat sa away kaya nagawang masaksak ng suspek ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply