Kaplastikan ng mga opisyal ng PNP na nagpapa-convert

NAKALULUNGKOT malaman na ilan sa ating mga opisyal ng Philippine National Police ang lumilipat ng ibang relihiyon para lang sa kanilang pansariling interes.

Karamihan sa mga nagpapa-convert ay mga opisyal na gustong maluklok at makakuha ng magandang puwesto.

Halata mo sa mga opisyal na ito na puwesto lang sa PNP ang kanilang hangad dahil kung totoo sa  loob nila ang magpa-convert sa ibang relihiyon, dapat sana’y pati ang kanilang mga pamilya ay pina-convert din.

Bagamat ang ganitong kalakaran ay talamak sa hanay ng kapulisan, masasabing  karamihan sa nagpapadoktrina at nagpapa-convert sa ibang relihiyon ay  mga opisyal ng Lungsod Quezon.

Sinasabing ang sinomang opisyal na Katoliko na nais  makapuwesto sa isa sa 12 police station ng Quezon City Police District ay kailangang magpa doktrina muna sa isang maimpluwensiyang relihiyon.

Dahil sa pansariling interes, agad na magpapadoktrina ang opisyal para manatili lang
sa kanyang kinalalagyan.

Sa 12 station commander ng QCPD ay tatlo lang ang Katoliko dahil ang iba ay nagpadoktrina na sa ibang relihiyon.

Dahil napakaimpluwensiya ng nasabing relihiyon sa bansa, ito na rin siguro ang dahilan kung bakit ilan sa mga miyembro nito ay abusado.

Sinasabing ang sinomang miyembro na nakagagawa ng krimen ay agad na sinasalo ng  ilang mataas na opisyal ng simbahan at agad na itinatawag naman sa opisyal ng pulisya na direktang nakasasakop  sa lugar ng krimen.

Sabagay, ang ganitong kalakaran sa PNP ay hindi na bago.

Ang sa akin lang, sana’y magpakatotoo ang mga pulis na nagpapa-convert sa ibang relihiyon, huwag maging plastic at panindigan nila na sinsero sila sa kanilang nilipatang relihiyon.

Hikayatin din sana ng mga  nagpadoktrinang pulis ang kanilang pamilya na samahan sila sa relihiyong nilipatan.

Huwag sanang maging plastic ang mga  pulis na ito lalo na ang mga opisyal.

Kung gusto niyo ryan sa nilipatan ninyong relihiyon, diyan kayo hindi yung pag nawala na kayo sa puwesto o serbisyo ay babalikan ninyo ang relihiyong inyong iniwanan.

Marami na pong bumalik sa  kanilang pinanggalingang relihiyon na dati nang nagpa-convert sa ibang relihiyon, magpakatotoo kayo ‘wag kayong plastic.

Huwag ninyong paglaruan ang simbahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply