Kapulisan mananatiling nakabantay sa mga sementeryo

MANANATILI pa ring nakabantay ang Manila Police District sa mga sementeryo sa lungsod ng Maynila ngayong araw dahil inaasahan pa ring maraming dadalaw kahit pa regular working day na.

Ayon kay Manila Police District chief, Senior Superintendent Alex Gutierrez, inaasahan pa rin nilang aabot sa 20,000 ag bibisita sa North Cemetery ngayon.

“Inaasahan pa natin na marami pa ring pupunta ngayon na hindi nakapunta nitong mga nakalipas na araw,” ayon kay Gutierrez.

Matatandaan umano na noong nakalipas na taon ay may 10,000 hanggang 20,000 pa ang bumisita sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa North Cemetery sa kaparehong petsa.

Dagdag pa ng director na naging maayos at peaceful naman ang naging magdamag ng Nobyembre 1 sa mga sementeryo at wala namang naireport na anumang insidente.

Kaugnany nito, mahigpit pa rin ang seguridad sa mga sementeryo kung saan kinakapkapan at kinukumpiska ang mga matatalas na bagay na nais ipuslit ng mga pumapasok sa loob. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply