Karapatan ng kababaihan sa kanayunan tiniyak ng DAR

TINIYAK ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) na magkakaroon ng pantay na karapatan sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa kanayunan.

Ito ay matapos magpalabas si Agrarian Reform Secretary Gil de los Reyes ng Administrative Order No. 1 series of 2011 na magpapatupad ng Gender and Development (GAD) program para paunlarin ang karapatan ng mga kababaihan at tiyakin ang serbisyong suporta at pantay na pagbibigay ng benipisyo sa mga kababaihan at kalalakihan na benipisaryo ng CARP.

Sinabi ni Undersecretary Rosalina Bistoyong, National Chairperson ng GAD Steering Committee, ang pangunahing layunin ng programa ay matuldukan ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan.

“Women, especially those in the countryside are often overlooked, hardly given access to credit, treated second fiddles to husbands and seldom accorded recognition for their roles in the family and in the community. And worst, they are also subjected to physical abuses!” ayon kay Bistoyong.

Upang maipatupad ang naturang programa maglalagay ang GAD program ng women’s desks sa lahat ng agrarian reform communities (ARCs) sa buong bansa kung saan ang mga kababaihan ay maaaring maghain ng kanilang reklamo o mga saloobin.

Ang women’s desk ay naatasang magpatupad ng programa at aktibidades na may kaugnayan sa proteksyon at promosyon ng women’s right sa ilalim ng Republic Act 9700 o ang CARPer.

Kabilang sa mga programa at aktibidades na isinusulong ng GAD program ay ang pagpapatupad ng community-based enterprises at pagsasagawa ng livelihood seminars sa mga kababaihan upang mahasa ang kanilang mga talento na magagamit upang kumita ng extra income at major partner sa rural development.

Layunin din ng naturang programa na paunlarin ang angking talento ng mga kababaihan sa pagtatayo ng livelihood o kabuhayan na maaaring magamit nila sa kanilang pagnenegosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply