Karma kina GMA at FG ang laban ni Pacman

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga tagasubaybay na ilabas ang kanilang mga pananaw, saloobin at karanasan.

INUTIL NA NHA

Nanggaling po ako sa National Housing Authority office rito sa Towerville, Brangay Gayagaya, San Juan del Monte, Bulacan para i-follow-up ang request ko sa materyales ko para sa panibagong linya ng tubig.

Hindi pa rin nila nasasabi umano sa boss nila na taga-housing  na hindi taga-NHA. Ito po yung sinabi ng lalaki na nakausap ko last Tuesday.

Binanggit ko yung pangalan ng project manager dito sa relocation site pero hindi niya raw kilala sina Mam Nini o Mam Beth. Joseph – +63908265….

BALIK-EDSA

Naniniwala kami na ang pinakamabuti ay alisin sa Malakanyang ang pinakabobo na naging Pangulo ng ating bansa. Naghihintay lang kami ng panawagan at nasa EDSA agad +63947498….

SEN PANGILINAN SINISISI SA CRIME

Saan patutungo ang Pilipinas kong mahal kung ang peryodista ay langkay- langkay kung patayin; ang pulis na nasa election duty lumaban at ipinagtangol ang soberenya makukulong; pulis na takbuhan ng inaapi ngayon ay tatakbo na dahil inaapi; ang pulitikong inihalal; at iniluklok ay panay bulok.

Ang kabataan na pag-asa ng bayan ngayon ay gumagawa ng kasamaan. ‘Yan ay dahil kay Sen. Pangilinan  na may akda ng karapatan ng kabataan na inabuso at pinagpasasaan dahil sa wala pa sa tamang kaisipan. My Philppines, my Philippines. +63946597….

TAKOT SA NEXT ELECTION

Gud pm po. Hindi po ako magtataka, Ka Benny, ukol sa kawalan ng hustisya rito sa ating lupang sinilangan dahil ang nasa kapangyarihan ang nang-aabuso.

Ang akin lang pong kinatatakutan ay ang darating na election sa kawalang-galang ng ating kinikilalang gobyerno.

Kung ano ang gustuhin ay ang siyang mangyayari.

Kung sa dating mga Presidente ay nagagawa nilang labagin ang karapatan, sa isang pangkaraniwang tao pa kaya?

Kaya ko po nabangit ang election ay buhay akong saksi at aking napanood sa television ang pangyayaring  pinagtulungan ang isang pulis na agawan ng baril.

Binaril ang pulis at tinamaan sa ulo.

Ano ang gagawin ng pulis kung hindi lumaban.

Eh ka-Liberal ni PNoy, kumpare at kinakapatid pa ang namatay.

Hayun at ang nagtangol na mga pulis pa ang nademanda.

Walang alam akong lumalaban sa mga pulitiko at kugn meron man ay walang iba kundi si FPJ.

Sino pang pulis ang lalaban kung ikaw pa ang made-demanda.

Wala na kaya aabusuhin nila ang poder nila dahil nakapueto sila. +63946597….

GINUGULO LANG NG MGA ARROYO

Ginugulo lang ng pamilya Arroyo ang media, Aquino admin at mamamayan.

Takot sina Gloria at Mikey na makulong.

Marami pang dapat na pag-usapan ang pamahalaan kaysa sa problema ng mga Arroyo. Huwag doon lahat itutuok ang issue.

Me problema sa kahirapan at krimen. +63999450….

KARMA KINA GMA AT FG

Ang masasabi ko lang sa nangyari kay GMA at dating FG ay gaba na yan sa kanila sa ginawa nila kay ERAP.

Kulang pa yan, kahit hati- hatiin pa yung mga katawan nila, ‘di pa sapat para mabayaran nila ung mga kalokohan nila.

Ang pumabor kay Gloria ay mga buang.

‘Di naman siya tunay na Pangulo.

Grabe talaga ang ginawa nilang pangungrakot.

Tama lang ang gnawa ng DOJ.

Dapat dito sila mamatay kung totoo na may sakit pero alibay lang nila iyon para makatakas. +63930838….

SIYAM-SIYAM NA TUBIG

Good day! Nag-apply po kami sa Leyte Metropolitan Water District para sa pagpapakabit ng tubig noong April. Every month nagpa-follow-up po kmi at noong June, ang sabi pirma na lang daw ni Manager Nestor Villasin ang inaantay para sa next process.
Pero hanggang ngayo’y wala pa rin, for signature pa raw! +63910514….

WALANG CHARITY SA OSPITAL

Pakiaksyunan po ninyo ang Chinese General Hospital.

Ayaw gumamot ng pasyente kapag alam nilang ang pasyente ay walang pera kahit naghihingalo na sa harapan ng mga doktor. +63949437….

NANIWALA KAY PACQUIAO

Good am, Mr. Benny.

Para sa mga fan ng boxing, regulasyon na dapat mapa bagsak o mabugbog ng sobra para talunin ang kampiyon. Panalo talaga si Pacquiao. +63908265….

GALIT SA UMAAPI KAY PACQUIAO

Hindi naman siguro maging gerrero si Pacman.

Kasi sa yaman niya, kaya niyang mag-aral at tapusin ang pag-aaral nya. Masyado yata natin binabastos ang pagkatao nya.

Galit ako kapag  ginaganyan ninyo siya. +63909881….

PACMAN FIGHT WALANG LATOY

Good pm. Para sa akin walang ka lato-latoy ang hu-ling laban ni Pacquiao.

Lahat kami na disappoint sa laban na yun.

Ang tao ay naghahanap ng magandang performance mula sa kanya.

Parang puro na lang sya yabang. Nawalan na ako ng gana na sumubaybay sa mga susunod pa niyang laban. +63949123…

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply