Karnaping, nakawan sa Bgy. Veterans village

TALAMAK daw ang insidente ng karnaping at nakawan ng mga side mirror diyan sa may Barangay Veterans Village  sa Quezon City ngunit inutil dito ang mga opisyal ng Barangay.

Sa nakarating na sumbong ng ilang residente ng nasabing barangay sa Lily’s Files ay sinasabing wala raw ginagawa ang punong barangay dito na si Kapitan Gideon Gener at ang kanyang mga kagawad sa sunod-sunod na karnaping at nakawan ng mga side mirror.

Maging ang  mga riding in tandem na nanghahablot ng mga gamit ay suki na rin daw ng Brgy. Veterans Village dahil hindi raw nakikialam dito ang mga opisyal ng nasabing Barangay.

Kamakailan lamang ay napitik ng mga kawatan ang side mirror ng isang Toyota Grandia na nakaparada lang sa labas ng kanilang bahay sa may Narig St. ng Brgy. Veterans Village.

Paikot-ikot lang daw sa  nasabing barangay ang mga kawatan  diyan ngunit parang bulag dito ang mga kagawad at Brgy. Tanod ni Kapitan Gener.

Naku, Kapitan Gener, huwag kayong tutulog-tulog diyan sa inyong Barangay, alalahanin mo malalaking bahay ang nandiyan at may mga kaya ang mga nakatira.

Sigurado ako, isisisi na naman sa pulis kapag  nalusutan kayo riyan ng mga kriminal.

Kayo rin, alalahanin niyo Kapitan Gener, malapit na ang election, sana lang po bilang pinuno ng  barangay ay pangalagaan niyo naman ang inyong mga residente riyan.

Tama na muna ang pamumulitika, marami pang mga araw para kayo makapaghanda at kung maganda naman  ang  inyong performance diyan bilang  barangay captain ay wala kayong dapat na ipangamba.

Bukas po ang Lily’s Files Column para sa inyog panig Brgy. Capt. Gideon Gener, tumawag lamang po kayo sa tanggapan ng Remate,  tel. # 310-91-75, 76  o kaya ay sa cellphone # 09155683000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply