Kasamaan ni Bea Alonzo binago ni Zanjoe Marudo

VERY supportive pala sa isa’t isa ang magdyowang sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo.

Natutuwa nga si Zanjoe na siya ang itinuturong dahilan ng malaking pagbabago ng girlfriend na si Bea Alonzo. Marami kasi ang nakapansin ng pagiging open ngayon ng young actress lalo na when it comes to her personal life. Dati-rati kasi ay hindi siya ganu’n ka-vocal sa kanyang feelings at parang may wall siya sa mga tao.

Inamin din naman ni Bea in her past interviews na nakatulong daw nang malaki si Zanjoe sa kanyang pagiging open ngayon.

Ayon naman sa aktor, happy naman daw siya na kahit paano ay may maganda siyang nagagawa for Bea.

“Hindi ko naman siya tinuturuan, siguro, nahahawa lang siya sa akin na ganu’n nga, dapat minsan, maging open, at dapat minsan, kahit paano, kahit mahirap ang trabaho nating ito at minsan, gusto mong personalin ang mga bagay-bagay, kahit paano, magsabi ka kahit kaunti kasi wala, ano ang gagagawin mo?” paliwanang ni Zanjoe.

Okay lang naman daw ’yung may wall pa rin, pero may pagkakataon daw na dapat buksan din ang sarili para mas makilala ng tao ang totoong pagkatao ng isang artista at mas maintindihan sila.

“Natutuwa naman ako na kahit paano, mayroon akong kaunting nagagawang positive para sa kanya at ako rin naman, maraming natututunan sa kanya.”

Kasama si Zanjoe sa pelikulang Shake, Rattle and Roll 13 sa Tamawo episode na entry sa Metro Manila Film Festival. Sa TV naman ay muli siyang mapapanood sa Alta early next year.

Jake Vargas pinagkaguluhan sa Pampanga!

KASAMA namin sa isang show sa Pampanga si Jake Vargas noong isang gabi. Nasa entourage ni Jake ang kanyang ama at isang sister. Silang dalawa ang umalalay sa baguhang aktor dahil araw ng taping ng Walang Tulugan ni Kuya Germs. Normally, laging kasama si Kuya Germs na siyang nag-i-introduce kay Jake in his every stage performance.

Anyway, malungkot ang mien ni Jake, walang kibo, kung ngumiti man, tipid na tipid.
Bahagya na siyang nagre-respond sa mga fans na tumitili sa kanya, di pa man bumababa ng kotse. Yun pala, kinabukasan, papanaw na ang kanyang ina na matagal nang tinaningan at nakaratay na.

Sa pamamagitan ng kolum na ito, we woud like to condole with Jake Vargas’ family. Alam namin kung gaano kasakit mawalan ng ilaw ng tahanan, but life has to move on.

Anyway, sa show sa Pampanga, naulit na naman ‘yung matinding pandemonium na nararanasan namin everytime na kasama namin si Jake.

Of late kasi nagiging paborito si Jake ng mga show promoters na mga taga-Pampanga dahil nga bukod sa madali namang kausap si Kuya Germs, mas lalong ‘di maarte si Jake.

Talaga namang dinaluhong kami ng sangkaterbang fans nang mabalitaang nandun na ang grupo. Fans of all ages trooped to where we were parked and the fans were all shouting Jake’s name.

Nang tawagin si Jake to perform, halos di siya nakaakyat at mas lalong nahirapan papa-exit sa stage. Buong barangay council naman umakyat sa stage para makapagpa-picture taking, the stage is the only place na puwedeng ma-cordon si Jake for protection sa mga unruly fans.

Nang paalis na ang sasakyan, talaga namang maraming mga kabataan ang nagsitakbuhan para sumunod sa kotseng di mapatakbo nang mabilis, kasi nga hinaharang sa kalsada at pilit na pinahihinto ang sasakyan. Nagsilabasan sa kalye kahit hatinggabi na ang mga taga-barangay and they all wanted to have a glimpse of Jake and shake his hands.

Kung ganito na talaga’ng laging experiences sa tuwing pupunta si Jake sa isang personal appearance, walang duda, Jake is already there at isa na sa mga major artists na nasa GMA 7 sa ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply