Kasambahay ng konsehal ng kyusi kalaboso sa pagnanakaw

HULI sa kasong pagnanakaw ang kasambahay ng konsehal ng 2nd District ng Quezon City at aktor na si Alfred Vargas matapos itong maharang sa Don Antonio Heights, Quezon City kahapon.

Nabatid na hinuli si Clarita Florida, anim na buwan ng naninilbihan kay Vargas, matapos muntikan nitong matangay ang kaha de yero ng konsehal.

Hindi kaagad inamin ng suspek ang pagnanakaw at gumawa-gawa pa ng kuwento ngunit kalaunan ay inamin ni Florida ang ginawang pagnanakaw kay Police Senior Inspector Roberto Razon.

Ayon kay Florida, nagawa lang umano niya ang krimen dahil sa gipit siya at gusto umano niyang magtayo ng negosyo.

Nabatid pa na mabuti na lamang at tinawagan si Vargas ng kanyang assistant na si Helen Lagaras na sinabing naabutan niya si Florida na isinasakay sa taxi ang kanyang kaha de yero at mabilis na pinatakbo ang taxi.

Dahil dito, agad na tumawag ng security guard kaya naharang ang taxi at nahuli si Florida.

Sinabi ni Vargas na malamang ay may kasabwat ang kanyang kasambahay sa ginawa nitong pagnanakaw.

Panawagan naman ng mga pulis, huwag basta-basta magtitiwala sa mga kasambahay at huwag din ipapakita sa kanila kung saan inilalagay ang mga mahahalagang bagay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply