Kaso ng dengue sa Central Visayas tumataas

NABABAHALA ngayon ang Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa Central Visayas.

Base sa talaan ng DOH, mula buwan ng Enero hanggang Nobyembre ay umabot na sa 4,108 ang kaso ng dengue mosquito carrier sa nabanggit na probinsya.

Nabatid na  ang Cebu City ang naitalang may pinakamataas na kaso na may bilang na 1,650; pumangalawa ang Lapu-lapu city na may 242 na kaso; may 203 kaso naman ang Mandaue City; sa Danao City ay may 175; nasa 175  kaso rin ang naitala sa Talisay City; at  ilang kaso ang naitala sa Negros Oriental at Dumaguete.

Muli namang pinaalalahanan ng DOH ang mga residente sa nasabing lugar na panatilihing malinis ang kapaligiran lalo ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok na may dalang sakit na dengue.

Hinigpitan na rin ng DOH ang kanilang kampanya laban sa nasabing sakit upang maiwasan pa ang pagtaas ng bilang sa mga biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply