Kaso ng leptospirosis sa Western Visayas lumobo

NABABAHALA ngayon ang Department of Health (DOH) dahil sa pagtaas ng kaso ng sakit na leptospirosis na naitala sa Western Visayas mula buwan ng Enero 2011.

Ayon sa DOH, umaabot na sa bilang na 1,340 ang kaso ng leptospirosis sa rehiyon kung saan sa record ay umakyat na sa 66 katao ang nasawi dahil sa naturang sakit kumpara noong 2010 na may 186 na kaso lamang ang naitala.

Tinatayang nasa edad na 20-29 anyos naman ang karamihan sa mga pasyente ng sakit na leptospirosis.

Patuloy naman ang pagbibigay ng paalala ang DOH sa publiko lalo na sa mga bahaing lugar na iwasang magbabad sa tubig dahil baka ito ay kontaminado ng dumi o ihi ng daga na pinanggagalingan ng naturang sakit.

Pinayuhan din ng mga health officials ng rehiyon ang mga residente na panatilihing malinis ang kanilang tahanan upang hindi pamugaran ng mga daga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply