Kaso ni GMA tatagal ng taon – Pasay RTC

DAHIL sa dami ng mga magagaling na abogado ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagdedepensa sa kinasasangkutang kasong electoral sabotage, aminado ang pamunuan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) na tatagal ng mahigit pa sa dalawang taon ang kaso nito.

Ayon kay Atty. Jose Pelicano, clerk of court ng Branch 112, natitiyak siya na magsasagawa na ng legal na hakbangin ang mga abogado ng dating pangulo kabilang ang paghahain ng mga mosyon at petisyon na kinakailangang resolbahin ng hukuman bago maglabas ng resolusyon.

Binigyang halimbawa ni Pelicano ang anim na taong ginugol ng mga mahistrado ng Sandiganbayan sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada bago nakapagpalabas ng desisyon.

Inaasahan na rin aniya nila ang paghahain ng mosyon ng depensa na hihiling na pahintulutan ang dating pangulo na makapaghain ng piyansa kahit pa nga nakasaad sa batas na walang piyansang dapat ilaan sa mga inaakusahang nagkasala sa kasong electoral sabotage.

Gayunman, sinabi ni Pelicano na sa oras na maglabas ang Korte Suprema na ilegal at labag sa Saligang Batas ang pagbuo ng joint committee ng DoJ at Comelec, wala silang magagawa kundi tumalima at sundin ang kautusan ng Mataas na Hukuman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply