Kaso ni Ongpin alam ng nag-suicide na DBP exec

SINABI kanina ni Development Bank of the Philippines (DBP) chief legal counsel Belinda Tejada na posibleng may kinalaman ang pagpapakamatay ni Atty. Benjamin Pinpin sa kontrobersyal na behest loans ni businessman Roberto Ongpin dahil pini-pressure umano ito ng ilang dating DBP officials sa nasabing kaso.

Ani Tejada, ayon sa suicide letters ni Pinpin, hindi niya kayang ibenta ang mga taong nagtiwala sa kanya para lamang masagip ang kanyang trabaho.

Ani Tejada, alam ni Pinpin na maaari siyang kasuhan ng perjury dahil sa kanyang mga statement.

Matatandaang nagsampa ng reklamo si DBP senior executive vice president and chief operating officer Edgardo Garcia laban kay DBP board chairman Jose Nuñez, na inakusahan niyang namilit sa kanya upang idiin si Ongpin.

Ipinakita ni Nuñez ang dalawang show cause letters sa 20 DBP employees kasama na si Pinpin — na pinagsusumite sila ng written explanations ng pagkakasangkot nila sa P660-million utang na pinakinabangan umano ni Ongpin.

Si Ongpin at ang 27 dati at kasalukuyang DBP officials ay mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo sa Ombudsman kaugnay ng P660 million in “behest loans” ng Ongpin-affiliated Delta Ventures Resources Inc. (DVRI) noong 2009.

Ani Tejada, bago nawala si Pinpin, isang Atty. Peralta ang nakipag-usap sa kanya ngunit hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa.

Gumawa umano ng affidavit si Pinpin pagkatapos ng nasabing pag-uusap.

Idinagdag pa ni Tejada na nang tanungin niya si Nuñez kung ano ang dapat nilang gawin para hindi makasuhan, sinabi umano nitong, “Abogado ka naman, alam mo na yan, sabi niya just offer us something.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply