Kaso ni Ramgen Revilla, umuusad na – SPD

HUMILING na ng Watchlist Order (WLO) ang Task Force Ramgen sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) para matutukan ang umuusad na kaso kaugnay na kasong pamamaslang kay Ramgen Revilla.

Kabilang sa ipinasasailalim sa WLO ay sina Ryan Pastera, Glaiza Visda at Norwin dela Cruz na inaakusahang sangkot sa krimen.

Samantala, sinabi ni Chief Insp. Enrique Sy, pinuno ng Task Force Ramgen, isasagawa bukas ang preliminary investigation laban kay Pastera ang nakakalaya pang suspek.

Sasagutin na rin bukas ng Task Force Ramgen ang mga inihaing counter affidavit nina Visda at dela Cruz  at sa Disyembre 1, isusumite ng pulisya ang sagot sa salaysay ni Ramona Revilla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply