Kaso vs GMA minadali – Brillantes

INAMIN ni Commission on ElectionS (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na minadali ang pagsasampa ng kasong electoral sabotage laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang makakuha kaagad ng hold departure order (HDO) sa korte.

“Ah yes (to prevent her from leaving). Kaya nga kami namin fina-file para makakuha ng support for a hold departure order,” ayon kay Brillantes matapos dumalo sa deliberasyon ngh budget ng Comelec ngayong araw.

Aniya, nakalagay sa panalangin ng impormasyon ng kasong isinampa sa Pasay City Regional Trial na magpalabas kaagad ng HDO dahil may nauna nang pagtatangka sa panig ng dating Pangulo na lumabas ng bansa sa kabila ng watchlist order mula sa Department of Justice (DOJ).

Nauna nang ibinasura ng Supreme Court ang motion for reconsideration na inihain ng DOJ sa termporary restraining order na ipinabas upang makabiyahe ang mag-asawang Arroyo.

“Well ASAP ang prayer namin because of the previous incidents, ano that’s there is an attempt to leave. Pero this is in the discretion of the court. Wala kaming say that,” aniya..

“It is now in the hands of the courts where we will file the information. We have a prayer in the information for an issuance of a hold departure order,” paliwanag pa ni Brillantes.

Ngunit, ibinasura rin ni Brillantes ang pahayag ng mga abogado ni Arroyo na minadali ang pagsasampa ng kaso laban kay Arroyo bilang paghahanda sakaling ibasura ng SC ang Motion for Reconsideration ng gobyerno laban sa TRO na siyang pinanindigan ng Kataas-taasang Hukuman.

“Sino nag-madali? (Who are in a hurry) No, no. We received the copy of the recommendation very quietly last Wednesday. We were deliberating on it Wednesday evening, kasi meron kaming summit. Nandito kami kahapon the whole afternoon, but we discussed it in the morning yesterday. Kaninang umaga nag-meet kami as early as 7:30 to windup and decide. Nagbotohan kami, hindi nga kami unanimous eh,” paliwanag pa ni Brillantes.

Aniya, dapat maisampa ang kaso nitong Miyerkules ngunit hindi nagawa ng Comelec dahil natali ang panahon ng ahensiya sa deliberasyon ng badyet sa Senado at kailangan pang pag-aralan ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng DOJ.

“Hindi kasi we were supposed to file this yesterday. Pero hindi kami natapos, kasi naiipit kami dito sa Congress hanggang 8:00 p.m.,” sabi ni Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply