Kasong isinampa ni Nadia ipinababasura ni Annabelle

IPINABABASURA ng kontrobersyal na talent manager na si Annabelle Rama ang kasong isinampa ni Nadia Montenegro na paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law laban sa kanya dahil umano sa hindi tamang paghawak sa career ng kanyang dalawang anak na babae sa Quezon City court.

Sa 17-pahinang counter affidavit na isinampa kay Quezon City Assistant Prosecutor Liezel Morales, sinabi ni Annabelle Rama na ipinahawak umano ni Nadia Montenegro nitong nakalipas na taon ang movie career ng kanyang dalawang anak na babae na si Anykha at Alyana.

Ang kontrata ay isinagawa noong April 2010 na nagsasabing iha-handle ni Annabelle sa loob ng limang taon ang career ng dalawang anak ni Nadia. Pinahintulutan naman umano ito ni Nadia bilang “guardian” ng kanyang dalawang anak na menor de edad.

Nagawa naman umano ni Annabelle na makakuha ng ilang TV at iba pang proyekto para sa mga anak ni Nadia.

“My role and obligation was to try to get the roles in shows and projects,” base sa affidavit ni Rama.

Idinagdag pa ni Rama na magagawa nitong komprontahin si Montenegro na hindi nito inabuso ang anak ng huli.

Itinanggi rin ni Rama ang akusasyon ni Nadia na sinasamantala nito ang mga anak ng huli.

Kabilang sa ipinababasura ni Rama ay ang September 30 complaint affidavit na isinampa laban sa kanya ni Nadia dahil umano sa kasong paglabag sa pang-aabuso.

Iginiit naman ni Annabelle sa kanyang counter-affidavit na hindi niya nilalabag ang RA 7610 o ang Anti-Child Abuse Law.

“I’m not their guardian but only a manager. As a manager my obligation is to try to look for acting opportunities. The guardian was the one who accepts a role and all decisions on hours needed for the roles,” ayon pa sa counter-affidavit ni Annabelle.

Samantala, binigyan ni Morales si Montenegro hanggang Nobyembre 15 para isampa ang kanyang sagot sa counter affidavit ni Annabelle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply