Kasong plunder isasampa na rin vs GMA

SASAMPAHAN na rin ng Department of Justice (DOJ) sa Sandigan Bayan ng kasong plunder  si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang napag-alaman matapos na ianunsiyo ng DOJ na anumang sandali ngayong araw ay ihahain na ng piskalya ang nasabing kaso.

Ayon sa DOJ Public Information Office (PIO), nakitaan ng probable cause ang reklamo dahil na rin sa mga inilahad na ebidensiya.

Gayunman, hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang DOJ hinggil dito.

Samantala, may mga ilang legal luminaries naman ang may nakikitang technical issues dahil tanging ang Ombudsman lamang umano ang may kapangyarihan na mag-akyat ng plunder case sa Sandiganbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply