Kasuhan o kalusugan

HINDI ko na maintindihan ang ginagawa ng pamahalaang Aquino sa kaso ni dating pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Arroyo.

Ayon sa huling kuwentuhan, Solomonic solution daw ang desisyon.

Pero mga pare ko, nasaan si Solomon sa desisyon na umaapak sa basic freedom ng bawat mamamayan ng bansa.

Dalawang karapatan ang nasasagasaan dito, una ay ang karapatan upang maglakbay at ikalawa ay ang karapatan upang humanap ng lunas sa anomang sakit na tatama sa katawan natin.

Sabi ni Leila de Lima may mga kasong dapat harapin si GMA, at pare ko, una akong aayon sa posisyong ito.

Subalit kahit yung mga presong nakakulong na ay may karapatan pa rin sa kanilang kalusugan, papaano pa kaya ang isang taong ni kaso ay hindi pa nasasampahan sa korte.

Kahit papaano mo tingnan, political prosecution ang ginagawa kay Gloria Arroyo. At baka sa di malayong panahon, maging dahilan pa ito para makalusot ang mga mokong sa kasong dapat ay hinaharap nila.

Sabi nga “there is reason for empathy and wisdom in sympathy.”

Nung panahon ni Marcos, hindi ba pinayagan ni Marcos na makalabas ng bansa ang ama ni Noynoy na si Ninoy para maoperahan sa puso?

Mahirap bang ulitin ang isang “act of kindness and humanity” tulad nito, o totoong hindi nag-iisip ang Pangulo at puro namang higanti at sarili ang inaatupag ng mga alipores niya.

Simple ang solusyon sa problema, payagan si GMA na lumabas ng bansa, pero kunin ang kooperasyon ng mga bansang pupuntahan niya na ibabalik dito si GMA kapag kailangan na siya, period.

Walang dahilan, walang palusot.

O wala talagang lakas at impluwensiya si Noynoy sa kahit anong bansa para makuha ang ganitong diplomatic committment sa kanila?

Hindi ba dahilan ito para mag-isip ng konti tungkol sa popular na pamunuan ng ating bansa?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply