Katarungan sa Maguindanao Massacre nasa kamay ni PNoy

TANGING si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III lamang umano ang makapagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng Maguindanao Massacre kung bibigyan agad ito ng pansin.

Ayon kay Marbel South Cotabato Bishop Dimualdo Gutierrez, kung nais ng pamahalaan na matuldukan na ang karumal-dumal na krimen kung saan namatay ang mahigit 30 mamamahayag at ilang sibilyan ay kaya itong gawin ng gobyerno.

Inihalimbawa ni Bishop Gutierrez ang pagkaso sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na naka hospital-arrest na ngayon kahit maraming kuwestiyon pa sa pagkaka-aresto dito.

“Kung nais ng gobyerno matatapos yan kaagad, bakit yung kay GMA mabilis, bakit ito… parang mabagal, depende na yan kay PNoy, gamitin niya ang power niya for speedy trial at matatapos yan,” pahayag ni Bishop Gutierrez sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Kaugnay nito, history na para kay Bishop Gutierrez ang culture of impunity.

Paliwanag pa ni Bishop Gutierez na kinakailangan na may pag-ibig sa pagtugon ng katarungan upang mabilis na makamit ito.

“Culture of impunity, old story na yan, wala na yan, history na yan, wala ng ganyan now, kailangan ngayon justice na plus love na, wala kasing love kaya matagal ang katarungan,” dagdag pa ni Bishop Gutierrez.

Samantala, mensahe ng obispo sa mga pamilya ng mga biktima na ituloy ang pananalangin na makamit ang katarungan at huwag mawalan ng pag-asa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply