Katayan ng karne ipinasara sa Kyusi

INUTOS NG Quezon City (QC) local government ang pagpapasara sa isang katayan ng mga baka, kalabaw, baboy at kambing na nasa likod ng Mega-Q Mart sa Cubao dahil sa umanoy samu’t saring paglabag nito sa batas sa naturang lungsod.

Sinabi ni City Market Administrator Donato Matias, ipinasara nila ang Maytan Estate Corporation bunsod ng paglabag nito gaya pag-o-operate sa kabila ng pag-expire ng temporary business permit, paglabag sa City Market Code, City Ordinance, kawalan ng waste water treatment facilities at iba pa.

Base sa pahayag ni Matias, tatlong beses na nilang binigyan ng warning ang katayan pero bigo pa ring tumalima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply